Chapter 20

1.9K 56 11
                                    


Omniscient POV

"Who is Bernard to you?"tanong ni Yana.

"Ha?" ikinagulat niya ang tanong na iyon.

"Kanina pa kita nahuhuling nakatitig sa kanya, at lagi siyang napapatingin din sayo."

"Do I need to answer that?"

"For my peace of mind, yes. Gusto kong malaman."

Bumuntong-hininga siya. Mukhang hindi makakalusot kay Yana ang mga kinikilos niya. Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil nagpapanggap lang sila bilang mag-asawa, pero ang pagde-demand nito ng sagot ay hindi niya malaman kung required ba niyang tugunan.

"He's my ex-boyfriend." pag-amin niya, para hindi na humaba ang usapan.

Nakita niya ang pagkunot noo nito. "He's your ex-boyfriend? It seems like there's nothing left for you, Lucienne."

Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis sa sinabi ni Yana. Pero iyon naman ang katotohanan. Inaamin niyang mahina siya, at wala siyang kakayahan na ipaglaban ang mga taong mahal niya sa buhay. Ni hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili. Hindi lang karapatan ang inalis sa kanya, kundi pati ang lalakeng inspirasyon niya.

'Life is unfair, at siya na nga ata ang pinakamalas na tao sa mundo' sa isip niya.

".....how are you feeling now?"

"About what?" Napatitig sila sa isa't-isa.

"About that jerk guy leaving you."

"Jerk guy? Kaibigan mo siya, di ba?"

"Noon siguro. Pero mas kilala ko ang pinsan niyang si Arvie, may pagka-gago din ang babaeng iyon. Baka ganon talaga, madali akong maka-attract ng mga taong gago."

Napabuntong-hininga siya. Kinakapa niya ang damdamin kung kumusta na ba ito. Kung talaga bang naroroon pa ang pag-ibig niya para sa dating nobyo.

".....uulitin ko ang tanong ko. How are you feeling now?"

"I-I think I'm fine."

"Really? Or you still love him?"

Napasinghap siya. "No!" agad din niyang sagot. Ayaw niyang malaman ng kahit sino ang nilalaman ng puso niya, lalo na si Yana.

"No? So walang problema kung sasaluhan natin sila sa VIP room?"

Gustong gusto niyang pigilan si Yana sa ginagawa nito pero wala siyang lakas ng loob, baka isipin pa nito na bitter siya. At ayaw niyang malaman nito ang sitwasyon ng kanyang puso, dahil naguluguluhan pa rin siya hanggang ngayon. 

Aware naman siyang hindi na dapat siya makaramdam pa ng kahit ano, either pagmamahal o galit, dahil nobyo na ito ng kanyang stepsister. Pero mapipigilan ba niya ang kanyang puso?

Humarap sila kina Divine at Bernard. Nakaupo sila sa couch magkaharap ang dalawang pares. Ang nag serve ng kanilang inumin ay walang iba kundi si Manager Ken, puno ng pagtataka ang mga titig nito sa kanya, pero agad din itong lumabas nang maihatid ang kanilang inumin.

"Congrats to both of you."saad ni Divine, itinaas nito ang hawak na glasswine at umangat ang isang gilid ng labi. Mukhang masaya ito na naikasal na siya sa ibang tao. Sa tingin niya ay hindi na mangangamba ang kanyang stepsister dahil may asawa na siya.

"Thank you, Divine."sagot ni Yana.

Sa kabila ng lahat ay nagawa ni Lucienne na ngumiti para ipakita sa mga ito ang pagiging kaswal, at itinaas ang hawak niyang glass wine. Sabay-sabay nilang ininom ang laman ng kanilang mga baso.

"How did the two of you meet? Parang ang bilis ng pangyayari, ngayon kasal na kayong dalawa." nakangiting tanong ni Bernard, at muling sumulyap ang mga mata nito sa kanya bago nito ibinaling ulit ang tingin kay Yana.

"We met here in the bar and I will never forget that night. Lucienne was exceptional, kahit napaka-simple ng damit niya nong gabing iyon she was stunning, she was beautiful. Noon lang ako nakakita ng bababeng kagaya niya, at hindi ako maglilihim sa inyo, she captured my picky heart. At nasabi ko rin sa mga oras na iyon na siya ang babaeng pakakasalan ko at mamahalin ko habang buhay."

Kinikilabutan siya, hindi dahil ayaw niya sa mga sinasabi nito pero dahil parang naglalakbay sa kanyang mga ugat patungong puso ang mga salitang binitawan ni Yana. It was as if she was the luckiest woman in the whole world. At tila ba kayang ilihis ni Yana ang kanyang isip pagdating kay Bernard sa mga oras na iyon.

"....sa ikli ng panahon na magkakilala kami ni Lucienne na-in love kami sa isa't-isa. I can say right now na ako ang pinakamswerteng tao sa mundo dahil pinili niya akong mahalin. That's our love story, di ba, sweetheart?"

Bago pa siya makapagsalita ay inangkin na nito ang kanyang mga labi na ikinabigla niya, ang kanyang puso ay bigla na lang nagwala. Napakapit siya sa tagiliran nito, pero unti-unti ding lumuwag ang pagkakapit niya nang kumalma ang kanyang puso.

Sandaling nabura sa kanyang isipan si Bernard na nakaupo sa harapan nila. She was very aware of Yana's lips as she hungrily and possissively kissed her. At iba ito sa mga halik na una niyang natanggap mula sa taong ito. She seemed to be taking her time in kissing her lips as if she couldn't get enough of it. Her tongue made its own exploration inside her mouth. Naramdaman niya ang pagtayo ng mga maliliit niyang balahibo sa katawan. Hindi masama ang hatid ng pakiramdam na iyon, but rather, it made her feel alive.

Ang kanyang kamay ay umakyat patungo sa balikat ni Yana, napakapit siya roon. Natangay siya, gumanti siya ng halik. Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay pareho silang naghahabol ng hininga. Nagtatanong ang mga mata niya kung bakit siya hinalikan nito sa harap nila Divine at Bernard. At ang isa pa niyang ipinagtataka ay kung paano gumanti ang kanyang katawan sa kapangahasan nito.

"It seems that you love each other."saad ni Bernard, kitang kita nito ang pag-igting ng mga panga.

Nainis ba ito sa ginawa nila?

"Pasensya na guys, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili kung ganito kaganda ang asawa mo, hindi ko na siya pakakawalan pa." Nakangiting saad ni Yana saka nito hinapit ang kanyang bewang.

Napayuko siya para itago ang pag-iinit ng mga pisngi. And she was once again back to reality. Gusto na nga niyang sikuin si Yana sa pinaggagawa nito. Malapit na rin niyang isipin na sinasamantala nito ang pagkakataon kahit pa sa harapan ng ibang tao.....

TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch20 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc_sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P_ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now