Chapter 04

3.2K 121 26
                                    

Yana Echavez

Maaga akong nagtungo dito sa Bulacan para bisitahin ang aking lola Esmeralda. Malapit ang loob ko kay lola dahil siya ang gumabay sa akin noong nag-aaral pa ako, ang mga magulang ko ay wala rito noon sa bansa. Nasa New Zealand sila, may sarili silang farm doon, nag-aalaga ng mga baka para magproduce ng mga karne at gatas. Nang magretire sila sa edad na 60 years old ay saka lang sila umuwi rito sa Pilipinas at nakatira na rin sa Bulacan. Ang adoptive brother ko na si Carlo ang naiwan sa New Zealand at siya ang namamahala roon.

Ang lola Esmeralda ay nagmamay-ari ng malawak na hacienda and she currently lives there. It's quite a different from the business path that most of my relatives have taken, which is primarily focused on farming. However, I had a different idea in mind. During my college days, my friends and I used to enjoy going on bar-hopping adventures. So, when I turned 21, I had this brilliant idea of starting my own bar with the support of my parents and of course my grandma. They generously provided me with the necessary capital to kickstart my business, and thanks to their help, I was able to successfully grow and establish my own venture.

Before lunch ay nakarating ako rito sa hacienda. Si Mom ang sumalubong sa akin. They are always coming here to visit my lola. Nakatira sila ni Dad sa lupang ibinahagi sa kanila ni Lola.

"Hi Mom, how's lola?"

"Matalas pa rin ang memorya niya kahit nanghihina ang katawan. Kagagaling niya sa sakit kaya todo ang pag-aasikaso namin sa kanya." Sinamahan ako ni Mom sa kwarto ni lola, she was pale and weak pero ngumiti agad ito nang makita ako. Nakahiga siya sa kama pero tila sumigla ito nang lapitan ko siya, pinilit niyang umupo kaya tinulungan ko siya. Nilagyan ko ng unan ang likod niya.

"I missed you, lola."

"I missed you, too, apo."

Lola Esmeralda had been there for me since I was a kid, raising me with love and care. And being a granddaughter raised by grandparents is a unique experience, one that has shaped me with beautiful traditions and values. Naaalala ko pa nga nong college ako, umuuwi ako rito kapag weekends or walang pasok para makasama siya. Ang amoy ng kanyang pagluluto ay palaging nagpupuno sa hangin, lumilikha ng isang nakakapagpagaan at malugod na kapaligiran na nagpaparamdam sa akin na nasa tahanan ako. At tila ba isa itong kanlungan, isang lugar kung saan ramdam ko na ligtas at minamahal ako kahit na malayo ang aking mga magulang. Bawat sulok ng bahay niya ay puno ng mga espesyal na alaala at mga lumang larawan na nagbabahagi ng mga kuwento tungkol sa aming angkan.

At sa kanyang edad na 85, ay malinaw pa rin ang mga mata nito dahil nakilala agad niya ako nang lumapit ako sa kanya. "How are you, grandma?"

"I'm fine..." Binati niya ako ng kanyang mainit na ngiti at mahigpit na yakap. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kaligayahan habang nakatitig sa akin, at hindi ko maiwasang maramdaman ang malalim na pasasalamat sa papel na ginampanan niya sa buhay ko. Ang kanyang karunungan at gabay ay naghubog sa akin bilang isang tao. "....I'm glad you visited me. Sa lahat ng mga apo ko, you're the only one who always remembers me. Yong mga pinsan mo naaalala lang dumalaw when they need to ask for money para pangdagdag capital sa mga negosyo nila." Natatawa niyang saad.

Lola Esmeralda was a rich woman. Marami siyang ari-arian, pero naibahagi na niya sa mga heirs ang malaking bahagi nito. Ang natitirang hacienda ang pinag-aagawan ng mga anak niya, kabilang doon ang father ko na panganay sa tatlong magkakapatid. Nagtataka rin ako kung anong meron sa hacienda na ito, pero ang sabi ni dad maganda raw itong gawing dairy farm.

"Lola, kaya ako pumunta rito ay para bigyan ka ng pera. Magkano ba gusto mo? Marami na akong pera ngayon..."biro ko sa kanya.

Love life na lang ang kulang sa buhay ko. At sumingit pa talaga sa isip ko iyon.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora