Chapter 30

2.4K 75 16
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

PAGSAPIT ng gabi ay kasama ko si Yana dito sa balcony. Umayos ako ng pagkakaupo dito sa wooden sofa, tinabihan niya ako saka niya ako inakbayan.

Nagpapalipas kami ng oras. At kahit alas otso na ng gabi ay wala pa rin kaming natatanaw na mga bituin. Medyo maulap at madilim ang kalangitan. Hindi kaya nagbabadya ang ulan? Malamig kasi ang simoy ng hangin.

"Sweetheart, hindi ka ba nilalamig?"

"Hindi naman. Nasa tabi kita kaya nalalabanan ko ang lamig."

"Oo, nga. Mainit sa pakiramdam kapag may kayakap ka."

Mula sa balikat ko ay bumaba ang kamay niya sa bewang ko at ilang beses niya akong hinaplos roon, nakakakiliti at the same time nakakatuwa sa pakiramdam. Nagugustuhan ko kapag nilalambing niya ako. Minsan ang mga daliri niya ay pumipindot sa tagiliran ko kaya napapaigtad ako.

Hanggang sa umakyat ang kamay niya sa dibdib ko kaya siniko ko siya. Baka may makakita sa amin, nakakahiya.

"Wait lang, sweetheart. I-off ko muna yong ilaw dito sa balcony."

Aba mukhang may naisip pang paraan. Pagpasok niya ng room pinatay niya ang ilaw dito sa balcony at iniwang naka-bukas ang lamp shade sa loob ng silid, hindi na kami gaanong makikita dito sa pwesto namin. Wala rin kasing liwanag na nagmumula sa buwan dahil natatakpan iyon ng maitim at makapal na ulap.

"Ikaw, ha. Bakit mo pinatay yong ilaw dito?"

"Para hindi tayo makita." humagikgik siya saka tumabi sa akin. Ibinalik niya ang kamay niya sa tagiliran ko.

Nakakatawa talaga rin siya minsan.

"Yana, kinausap pala ako ni Lola. Mukhang naghahabilin na siya."

Sinulyapan niya ako. "Talaga? Anong sabi sayo ni lola?"

Napaliyad ako nang dumapo ang palad niya sa puson ko.

"Mahalin daw kita at huwag kitang pababayaan."

Napangitin siya. "Ganon din ang sinabi niya sa akin. Namimiss na ata niya si lolo kaya gusto na niyang sumunod. Mahal na mahal niya si lolo kahit matagal ng wala sa tabi niya."

"Ganon din kaya tayo kapag tumanda na? Mauuna kang tumanda sa akin dahil ten years ang gap natin."

"Aba, marunong ka nang mang-asar? Bakit baby face naman ako, ah."

Natawa ko.

"Baby face? Patingin nga?"

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Di ba, baby face ako?"

"Hindi naman, eh." Biro ko sa kanya.

"Hindi mo kasi makita ang mukha ko dahil madilim.

"Oo na, sige na. Baby face ka na." Dahil hawak niya ang tagiliran ko ay nagagawa niya akong kilitiin. Hindi ko tuloy mapigilang mapahiyaw. "Isa! Tigilan mo yan!"

"Okay, titigil na. Ano nga pala yong sinasabi mo kanina?"

Umayos kami ng upo, tinigilan na rin niya ang pangingiliti sa akin.

"Ang sabi ko, lagi din kaya natin hahanapin ang isa't-isa at lagi din kaya tayong magkasama kapag matanda na tayo."

"Ahh, Oo naman, basta hindi tayo maghihiwalay. Basta hindi mo ako hihiwalayan." Malambing niyang saad sabay halik sa pisngi ko.

"Wala naman sa isip ko na hiwalayan ka."sagot ko.

Saglit na tumahimik ang pagitan naming dalawa. Abala siya sa paghaplos sa katawan ko, ako naman ay nakahawak sa braso niya.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now