Chapter 26

1.8K 65 17
                                    

Lucienne Aurorè Fejeros

Friday, seven in the evening.

"Wear this." Inabot niya sa akin ang black elegant dress na sa tingin ko ay backless at lalabas ng bahagya ang cleavage ko dahil sa style nito.

"Hindi ba masyadong sexy naman 'to?" protesta ko.

"Mas mabuti na yan para makuha mo ang atensyon ni Bernard."

Tinitigan ko siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya pero mukhang seryoso nga siya. Hindi agad ako nagbihis, pinapanood ko siya habang inaayos niya ang kanyang suot na lady fit suit. Nilugay niya ang mahaba niyang buhok at ginulo-gulo niya iyon para magkaroon ng natural wave.

"....bakit hindi ka pa kumikilos, Lucienne?"

"Inaantok kasi ang pakiramdam ko."

"Don't waste this chance. Sa buhay kapag binigyan ka ng opportunity grab it. Hindi ka pwedeng magdalawang isip."

"Okay." sagot ko. Dala-dala ang damit ay nagbihis ako rito sa tapat ng closet, nandito ako sa room niya ngayon. Hinayaan kong bumagsak sa sahig ang damit ko saka isinuot itong dress na ibinigay niya sa akin. Pumili ako ng alahas na babagay rito tsaka naglagay ng light make up. Isinuot ko na rin ang high heeled sandals na bagay rito.

Binabagalan ko ang kilos ko para malaman kung magdadalawang isip ba siya, pero mukhang hindi siya magpapapigil na ipamigay ako kay Bernard. O baka naman gusto lang talaga niyang akitin si Divine dahil napagtanto niyang mas maganda ang stepsister ko sa akin?

Bakit ba ang daming pumapasok sa isip ko na tanong?

"Nakabihis na ako."saad ko. Sinulyapan lang niya ako saka iniwas ulit ang tingin niya sa akin. Hinihintay kong sabihin niya kung bagay ba ang suot ko o kung maganda ba ako pero wala itong binanggit tungkol dito.

"Yana."

"Yes?" Nakaharap siya sa salamin naglalagay ng perfume sa likod ng tenga niya at sa mga wrist niya.

"Sure ka ba sa binabalak mo? I mean aakitin mo si Divine?"

"Huwag mo nang alalahanin yon. Ang sarili mo ang ihanda mo."

"Bagay ba sa akin ang suot ko?"

"You're good, Lucienne. Bernard must be nuts for letting you go. I'm sure kapag nakita ka niya ngayong gabi ay hindi siya magdadalawang isip na balikan ka niya." saad niya saka siya ngumiti, halata namang pilit ang ngiti niya.

"Is that all you have to say?"

"May iba ka pa bang gustong marinig mula sa akin?"

"You could at least lie a little and say na bagay sa akin ang suot ko, kesa naman manghula ka diyan na babalikan ako ni Bernard dahil hindi naman tayo sigurado roon."

Lumapad ang ngiti niya. "Well, then, you look great, bagay mo ang damit. And I am not lying."

"Really? O napilitan ka lang kasi pinilit kitang purihin ako?"

"Peksman, mamatay man."sagot niya. Parang bata. Hindi naman siya ganyan, eh. Lagi niyang sinasabi na maganda ako kapag maganda rin ang suot ko.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ