Chapter 34

1.6K 69 4
                                    


Lucienne Auroré Fejeros


Five months later


Katirikan ng araw, kalmado ang dagat. Tumingala ako sa langit nang may dumaang helicopter at naghulog iyon ng malaking itim na bag malapit sa pampang. Laman non ay mga supplies, mga pagkain, bigas, sabon at konting tubig. Kada ika-labing limang araw ay may naghuhulog ng supplies rito.

Umupo ako rito sa buhanginan. Niyakap ko ang aking mga binti habang pinapanood ko ang bag na palutang-lutang sa dagat. Nawalan na ako ng pag-asa, ilang buwan na ang lumipas mukhang hindi na ako hinahanap ng asawa ko.

Pipiliin ko na lang mamatay kesa habang buhay na magdusa rito. Si Mom, malala na rin ang kondisyon niya. Hindi na niya natatandaan kung sino ako.

I'm tired. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Hinayaan ko na rin ang bag, ayoko nang mabuhay pa.

Baka napagod na si Yana sa paghahanap sa akin kaya tumigil na siya. Dahil kung hinahanap niya ako, sana noon pa niya ako natagpuan.

Bumalik ako ng bahay. Ni hindi na ako nag-abalang magluto pa.

O baka wala na rin ako sa tamang katinuan, hindi ko lang napapansin dahil wala naman akong ibang nakakausap kundi ang nanay kong baliw.

Nakatutok si mom sa pinapanood niya sa TV nang bigla siyang sumigaw.

"Mom! Stop shouting!" sigaw ko rin sa kanya. Bigla siyang umiyak na parang bata. Niyakap niya ang mga binti niya habang nakaupo sa sofa.

Dahil sa inis ko ay binalak kong i-off ang TV pero nakuha ng atensyon ko ang balitang lumabas sa telebisyon.

Nahintuan ako.

'Limang buwan na mula nong mawala si Lucienne Auroré Fejeros, may pabuyang limang milyon kung sino man ang makakapagbigay ng impormasyon kung nasaan siya.'

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Kung ganon, hinahanap pa rin ako ng asawa ko! Hindi man sinabi kung sino ang magbibigay ng malaking pabuya alam kong si Yana iyon.

Mabilis akong kumilos, lumabas ako ng bahay at nagtungo sa dagat, lumangoy ako para habulin ang bag. Malayo na ito sa pampang, pero bigla na lang akong nagkaroon ng lakas para kunin iyon.

Saglit akong tumigil at lumanghap ng hangin, hinihingal ako pero hindi ako nag-aksaya ng oras baka lalong lumayo ang bag. Ipinagpatuloy ko ang paglangoy at hinila ito. Buti na lang water proof ito at hindi basta lumulubog, dinala ko ito sa pampang.

Pag-ahon ko ay hinila ko ang lubid na nakatali sa nakausling ugat ng kahoy. Itinali ko ang bag at dahan-dahan kong hinila, mabigat kasi ang bag at hindi ko ito kayang buhatin ng mag-isa.

Pagod na pagod ako sa paghila. Binuksan ko ang bag at inunti-unti kong dinala dito sa loob ng bahay ang mga stocks namin ni Mommy. Nagkaroon ulit ako ng dahilan para magpatuloy.

"Mommy, I'm sorry kung nasigawan kita. Ipagluluto kita ng masarap na ulam ngayon."

Tiningnan niya ako saka niya ibinalik ang tingin sa TV.

"Mommy, narinig mo ba sa TV? Hinahanap pa rin ako ng asawa ko."

Kahit hindi niya ako pinapansin ay kinakausap ko pa rin siya. At masaya ako ngayong araw, napapangiti ako.



PAGDATING ng gabi, ay pinatulog ko na si Mom. Siniguro kong nakatali ang isang paa niya sa poste ng kama. Hindi niya alam paano tanggalin iyon, umiiyak lang siya kapag hindi siya makaalis sa pwesto niya.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now