Chapter 17

2.4K 62 27
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

NATULOY ang dinner ngayong gabi, kasama ang mga kaibigan ni Yana. Dito rin sa hotel ito ginanap. Ilan sa kanila ay kilala ko na, si Wendy, Atasha at si Jean.

"Lucienne, huwag kang kabahan, okay? Ituring mo lang silang mga kaibigan, sigurado akong magugustuhan mo sila."

"Oo, siguro." sagot ko na ikinatawa niya. Hawak niya ang kamay ko, paglapit namin sa mga kaibigan niya ay sinimulan na niya akong ipakilala.

Mula kay Johansen at sa asawa nitong si Samantha, at ang anak nilang si Jamsen. Matangkad din si Johansen at mas preferred niyang tawagin siyang Jo. Very sweet naman si Samantha kausap.

Nakaharap kong muli si Jean, at ang asawa niyang si Mira, at ang baby nilang si Jera. Strong personality ang tinataglay ni Jean,  habang ang kanyang asawa na si Mira ay napaka-gaan kausap, ramdam ko ang kabaitan niya.

Masaya ding kausap si Ellaine at si Perel, couple din silang dalawa at meron din silang babies, si Zeus at si Vela na sangol pa, wala pa itong isang taon. Bumulong sa akin si Ellaine at gusto raw niya ako para kay Yana kahit ngayon lang niya ako nakilala.

And then another couple ang nakilala ko, si Jill at si Anne, at ang baby nila na si Jian. Wala din akong naramdamang takot nang makilala ko ang couple na ito. At kagaya ng iba, malambing din kausap si Anne. Si Jill ay matipid lang kung magsalita.

"Naipakilala ko na sayo before, si Wendy at si Atasha, right?"

Tumango ako, at bumeso sa akin ang dalawa. Si Atasha, ang may pinaka-maamong mukha sa lahat, although lahat naman sila ay magaganda. At maliban kay Jean, si Wendy ay tila nagtataglay din ng matatag na personalidad, pero ang pinakagusto ko sa kanya ay ang kanyang boses. Naaalala ko palagi si Mom dahil sa maganda niyang boses, pareho kasi silang magaling kumanta.

"And this is Frances."

"Oh hi, nice to meet you." saad ko.

Tinitigan niya ako at saka siya bumuntong hininga. Napatingin ako kay Yana dahil pakiramdam ko ay isang tao na naman ang may ayaw sa akin.

"Don't you ever hurt Yana, kundi ako ang makakalaban mo."

Natahimik ako. Akala ko lahat sila mababait maliban kay Jean, pati pala itong si Frances may pagbabanta sa akin.

"Frances, huwag mo ngang takutin si Lucienne. Ikaw talaga, mahal namin ang isa't-isa."

"At paano ako maniniwala, Yana? Ngayon mo lang siya ipinakilala sa amin kung kailan ikakasal na kayo."

"Oh Frances, hindi naman kailangan na magbilang tayo ng taon bago natin masabing mahal natin ang isang tao. Love at first sight, iyon ang naramdaman ko para sa kanya."

Sabay ba tumaas ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Yana.

"....noong una kong makita si Lucienne nahulog agad ang loob ko sa kanya, she's beautiful at alam kong mabuti siyang tao."

Tila may humaplos sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Napatingin ulit ako kay Yana, para bang totoo ang mga sinasabi niya.

Ganon ba kadali para sa kanya na magpanggap? Na mahal niya ako?

"Lucienne, tell me, mahal mo ba talaga itong kaibigan ko o may iba kang agenda?"

Kinabahan ako bigla sa tanong ni Frances. Sa amin nakatingin ang mga magkakaibigan. At ayokong biguin si Yana, ilang beses kong sinabi sa kanya na gagawin ko ang part ko sa palabas na ito.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob sa dibdib ko saka ako nagsalita.

"Of course, Frances. Mahal ko si Yana. And you know what? Hindi kailangan nang magarbong pagpapahayag para patunayan kung gaano ko siya kamahal. For me, it's the little things that matter the most. Taking care of her and being there for her every step of the way, that's how I express my love. So, if you still have doubts, well, I can't do anything about it."

Nasobrahan ko ata, dahil biglang tumahimik ang lahat.

"Guys, that's enough. Let Yana decide who she wants to love. We're here to support them, not to question their love for each other!"si Jill. At mula nang magsalita siya ay tila naging kalmado ang lahat.

Inakbayan ako ni Yana, ramdam ko ang pagdampi ng mga labi niya sa buhok ko.

"You're doing a great job, sweetheart."

Pagtingala ko ay nagkasalubong ang mga tingin namin.

"Talaga? Hindi ba nasobrahan ko ata?"

"Hindi naman. Mukha ngang in love ka na sa akin dahil sa mga sinabi mo. Tumaba tuloy yong puso ko."

"Sira!" Siniko ko siya. Natatawa siya.

Nagsalu-salo kami sa isang dinner. Maingay pero masaya silang pagmasdan. Medyo naiilang pa ako kina Jean at Frances pero sa iba ay magaan ang loob ko. Ang mga bata ay nagsisigawan at nagtatawanan habang naglalaro. Para silang malaking pamilya.

Magkakausap sila Yana, Jill, Jo, Jean at iba pa. Nilapitan naman ako ni Anne.

"Magulo talaga kami kapag nagsama-sama at madalang itong mangyari."

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"...ganyan din ako sayo nong una. Nahihiya ako sa mga magkakaibigan. Ilan sa kanila mapang-asar, minsan maiiyak ka sa inis dahil sasagarin nila ang pasensya mo. Lalo na ako dahil mga kaklase ko noong college sina Jill, Jean at Jo. At sasabihin ko sayo, sakit talaga sila sa ulo."

"Talaga? S-si Jean...."

Hindi ko pa naitutuloy ang sasabihin ko ay napangiti agad si Anne. Actually Ate ko silang lahat dahil nasa edad thirty plus na sila. Pero dahil nagpapanggap akong  kasintahan ni Yana ay para bang ni-level ko na rin ang edad ko sa kanila.

"Si Jean, makikilala mo rin yan sa katagalan. Si Yana, mabait naman ang taong iyan. Sa tingin ko aalagaan ka niyang mabuti, at pagpasensyahan mo na lang kung ang ilan sa amin ay skeptic pagdating sa relationship niyong dalawa, dahil na-surprise talaga kaming lahat nang magpadala si Yana ng wedding invitation pero hindi naman namin kilala ang GF niya."

Mas lalong naging magaan ang loob ko nang makausap ko si Anne.

"Oh huwag kang matatakot sa asawa ko ha, impakto kasi yang si Jean, eh! Pipingutin ko yan kapag tinakot ka niya." natatawang saad ni Mira. Kahit ako natatawa dahil tinawag niyang impakto si Jean.

"Buti napagtyagaan mo ang pagiging corny ni Yana?" tanong ni Samantha.

Natatawang hinampas ni Mira yong braso niya. "Baliw ka Samantha, baka maniwala yan."

"Biro lang." saad ni Samantha.

"Pero totoo, minsan ang corny niya."sagot ko. Nagtawanan kaming apat kasama si Anne.

Naging masaya ang gabi na ito para sa akin, dahil para akong nakatagpo ng mga bagong kaibigan sa kanila. Ito yong isang bagay na matagal kong kinasabikan, ang magkaroon ng mga kaibigan. At aware sila na mas bata ako kaya ang sabi nila kapag kailangan ko nang mapagsasabihan ng sama ng loob o sumbungan ay handa silang makinig sa akin.

TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch17 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc*sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P*ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now