Chapter 24

1.7K 51 16
                                    

Yana Echavez

PAGDATING ng gabi ay naabutan ko si Lucienne na nakaupo sa may balcony, nakapatong ang kamay sa railing, nakapangalumbaba at nakatitig sa kalangitan. Napapansin ko nahihiligan niya ang manood ng mga bituin. Sabagay sino ba naman ang taong hindi magagawang mamangha sa mga tanawing kagaya nito?

Tumayo ako dito sa gilid niya at nakitanaw sa kawalan. "Mahilig ka sa stars?"

"Nagustuhan ko sila mula nong pumunta tayo rito. Natatanaw ko silang mabuti, maganda ang kanilang pagkinang, parang malaya silang pagmasdan ang mga bagay na nasa ilalim nila." saad niya.

"Malaya ka ring pagmasdan sila. Kapag tumingala ka nandiyan lang sila sa itaas naghihintay na pansinin mo."

She let out an obvious fake smile. Hindi ako nainis sa ipinakita niya, kundi naaaliw ako sa reaksyon ng kanyang mukha. Maybe she was thinking na nakatali siya sa usapan namin kaya hindi niya maramdaman ang kalayaan sa buhay niya.

"...look, pwede mong sabihin ang nasa isip mo, Lucienne. Tandaan mo, kahit kasal tayo wala pa rin akong karapatan na panghimasukan ang buhay mo. At kung may gusto kang sabihin you can tell me."

Tumayo siya, saka humarap sa akin. Mukhang handa na siyang magsalita.

"Pagkatapos nito gusto kong ayusin ang buhay ko. Gusto ko ulit bumalik ang kumpyansa ko sa sarili, lahat kasi ay para bang nawala sa akin. Itong buhay ko at katinuan na lang sa pagiisip ang natitira sa akin."

Habag ang naramdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya sa buhay pero I'm sure wasak ang puso niya. Gusto ko man siyang tulungan na buuin ang ano mang nawala sa kanya ay hindi niya ako pinapayagan na gawin iyon. Gusto niyang gawin iyon mag-isa.

"You still have me, Lucienne. I mean, hindi lang bilang contract spouse. But, I can be your------"

Lover.

"Friend."dugtong ko.

Nagawa niyang makipagtitigan sa akin, ang kanyang mga mata ay sinasalamin ng mga katanungan, pero kung ano man ang mga katunangan na iyon ay hindi ko na inalam pa.

"Thank you, Yana. Pero gusto ko pagkatapos ng deal na ito ay magsimula ulit, tumayo sa sarili kong mga paa."

"Gusto mong maging malaya pagkatapos ng deal?"

"Yes. Iyon ang bagay na matagal ko nang inaasam. Although, nagagawa ko naman ang lahat ng gusto kong gawin habang nasa poder mo, pero gusto kong maging malaya totally. Ang gusto kong freedom ay yong hindi ako nakatali sa kahit kaninong tao."

Tumango ako. Hindi man ito ang mga gusto kong marinig mula sa kanya, mas mabuti nang nagpakatotoo siya sa akin at sa sarili niya. Pero may part din sa puso ko na nag-uudyok na magpakatotoo ako.

"What if I told you I like you?"

Hindi ko siya nakitaan ng pagkabigla, but she seemed disappointed by what she heard. Maybe she was expecting it, but she doesn't want to entertain the idea. Pero kahit ganon ay nagpatuloy ako sa pagpapahayag ko ng aking damdamin.

".....I wasn't just attracted to you, Lucienne. I am in love with you. At lahat ng sinasabi ko sa ibang tao ay totoo, from the moment I first saw you, I had a special feeling towards you. That's why I asked you for a date then. I like you and I want you to know that. Or it would be more appropriate to say that I want you to know that there is someone who wants to protect you, care for you, and love you. That person is me, Lucienne. I can love you better than that jerk guy, Bernard. If you would just learn to love me, I will make you the happiest woman in the world."

Umiling siya. "Yana, I.....I'm sorry."

Pinilit kong ngumiti.

"I respect and accept your rejection, Lucienne."

She simply nodded and that's all.

Inaasahan ko na rin ang sagot niyang iyon. Ang mahalaga nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko. I know, masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko nabantayan ang damdamin ko para sa kanya. But how can I stop my heart from loving her? I can't help it dahil puso ko ang nakakaramdam ng pagmamahal at kahit gusto ko itong diktahan, hindi ko iyon magagawa. Love is the most powerful thing in the world.

Huminga ako ng malalim at muling tiningnan ang mga bituin. Siguro may iba akong purpose sa buhay ng babaeng ito kung bakit kami nagtagpo.

Sa kabila ng rejection na natanggap ko, I still care for her.

TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch24 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc_sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P_ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!


Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now