Chapter 23

1.9K 63 23
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

Pagpasok ng bahay ay nagpunta agad ako ng banyo ng silid at naligo. Pagkabihis ko ay may kumatok sa pinto, pagbukas ko----si Mommy Estelita.

"Yes Mommy?"

"Is there something wrong, hija?"

"Bakit po?"

"You look a bit....sad. May nangyari ba sayo? Nag-away ba kayo ng anak ko?"

"H-hindi po, Mommy."

"Nasa silid ng lola mo si Yana, kaya sinamantala ko na kausapin ka. Hija, minsan matigas talaga ang ulo ng anak ko kaya pagpasensyahan mo na. Nakikita ko naman sayo na matyaga kang asawa at pasensyosa. Alam kong hindi mo magagawang tiisin ang anak ko kapag nagalit ka sa kanya, di ba?"

Tumango ako. "Opo Mommy."

Mukhang malakas talaga ang pakiramdam ni Mommy Estelita, ramdam niya na nag-away kami ni Yana. Naghintay ako dito sa kwarto at nong pumasok si Yana ay seryoso pa rin ang mukha niya.

"Yana, hindi na ako galit. Pinatawad na kita, okay? Pero gusto ko lang i-remind sayo, na iyon yong huling pagkakataon na hahawakan mo ako sa maselang parte ng katawa ko." paalala ko sa kanya.

"Okay, hindi ko na uulitin."

"Pero bakit seryoso ka pa rin? Bakit ayaw mo akong kausapin nang maayos? Napapansin na tayo ng mommy mo na hindi tayo okay na dalawa."

"Ano bang gusto mong pag usapan natin?" Kinuha niya ang monobloc chair saka umupo dito sa tapat ko. Mukhang handa na siyang makipag-usap bg maayos sa akin.

"Hanggang kailan tayo rito?"

"Gusto mo na bang bumalik ng Manila?"

"Hindi naman, ang totoo masaya rito. Pero paano yong bar mo?"

"Andon si Ken. Mapagkakatiwalaan naman siya. Sa Friday baka puntahan ko ang bar."

"Iiwan mo ako rito?"

Bakit parang okay na sa kanya kahit hindi kami magkasama? Isa pa, nakakahiyang maiwan ako rito sa kanila.

"Well, it's up to you. Kung gusto mong sumama sa akin walang problema."

"Sasama na lang ako sayo."

"Okay." Ngumiti na siya. "....magready ka. Pupunta tayong mall para maggrocery. Nag-aya si Mom dahil kailangan daw ng mga stocks sa kusina at mga banyo.

"Sige, magbibihis lang ako."

Paglabas namin ng kwarto ay nakaready na rin sina Mommy Estelita. Si Yana ang nagdrive ng sasakyan, kasama rin namin si Kayla. Pagdating dito sa mall ay parang may sariling mundo si Yana, ayaw niyang hawakan ang kamay ko. Buti na lang nauunang maglakad ang mom niya at si Kayla.

Ang mommy ni Yana ay simple lang. Kahit may pagkamestiza ang kanyang itsura, at halatang may kaya sa buhay ay nananatili siyang humble, kaya napakadaling pakisamahan. Maasikaso siya sa mga bisita, kaya hindi na nakapagtataka na siya rin ang bumibili ng mga supplies dahil on hand din siya pagdating sa mga hinahain sa mga bisita at sa pamilya nila.

Sinubukan kong hawakan ang braso ni Yana pero iniwas niya ang kamay niya. Sa inis ko, nakurot ko siya. Medyo napahiya ako, at ewan ko ba, nasanay na ata ako na humahawak sa braso niya. Hindi naman siya mukhang galit kundi tinatawanan niya ako, inipit niya sa armpit ang mga kamay niya.

Hindi ako makapaniwala sa kanya!

"Sige, bahala ka. Gusto kong malaman mo na naiinis na naman ako sayo!" sinungitan ko siya.

"Sabi mo huwag kitang hahawakan, baka mamaya magalit ka na naman kapag dumampi ang kamay ko sa balat mo."

"Pilosopa ka? Ang sabi ko huwag mo akong hahawakan sa maseselang bahagi ng katawan ko."

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon