Chapter 39

2.2K 68 3
                                    

Lucienne Auroré Fejeros


"Tinatanong mo ako kung ano ang nararamdaman ko sayo sa mga oras na ito. I still love you, at hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo. At yong tungkol sa inyo ni Divine--------."

Inilayo niya ng bahagya ang mukha niya sa mukha ko para titigan ako.

"Walang kami ni Divine, Lucienne. Hindi naging kami, I just------."

"I know. Jean told me everything. She apologized to me."

Halatang nahintuan siya.

"W-what? Are you saying that Jean talked to you, and then she asked for your forgiveness?"

"Yes. Dahil siya raw ang nagtulak sayo para akitin si Divine."

"Oh that bastard! Marunong din palang humingi ng tawad."

Umupo ulit siya sa silya na nandito sa tabi ng kama. Alam kong kalabisan ang hinihiling ko sa kanya na bantayan niya ako palagi pero ito lang kasi ang paraan ko para mahawakan siya at matitigan. Namiss ko siya, matagal ang hinintay ko para sa pagkakataong kagaya nito.








SA KAGUSTUHAN kong manumbalik sa dating lakas ang katawan ko, wala akong tinatanggihan na pagkain lalo na kapag binili ni Yana. And I was so happy na alagang-alaga ako ng asawa ko, nakadepende ako ngayon sa kanya sa lahat ng bagay at okay lang daw iyon sa kanya, it's her way para bumawi sa mga panahong hindi kami magkasama. And I was enjoying my temporary situation dahil para akong bini-baby ng asawa ko. Lahat ginagawa niya para lang guminhawa ang pakiramdam ko.

Pagkatapos kunin ang vitals at timbang ko ay kinausap ako ng doctor.

"Your vitals are okay, Miss Fejeros. Nadagdagan din ang timbang mo pero kaunti lamang. But I'ts totally fine, basta sikapin mong madagdagan pa ang timbang mo."

"Yes, doc."

"Hindi ka nilagnat during stay mo dito sa hospital. It's a good sign. Kaya maaari ka nang lumabas at makapamasyal, medyo ingat ka lang para hindi ka lapitan ng mga sakit, hindi pa gaanong malakas ang katawan mo pero mahalaga na makapaglakad-lakad ka. Inumin mo ang mga gamot na nireseta ko sayo para mabilis maghilom ang sugat mo, okay?"

"Yes, doc. Thank you po."

Nakaramdam ako ng excitement dahil pwede na akong makapasyal. Pero paano naman si Troy? Maiiwan pa ang anak ko rito sa hospital.

Pagkatapos akong kausapin ni doc ay si Yana naman ang kinausap niya.

Dalawang linggo din akong naconfine dito, hindi agad ako pinalabas ng hospital dahil phrone ako sa infections at mga sakit dahil mahina ang katawan ko dahil sa lack of nutrition, sa madaling salita malnourished ako. Kung wala lang si Troy baka nabagot na ako rito, lalo na kapag umaalis si Yana para asikasuhin ang ibang mga mahahalagang bagay.

Nilapitan niya ako nang matapos silang mag-usap ni doc.

"Mag-stay muna tayo sa hotel malapit dito. Wala kasing sleeping area ang hospital para sa parents na may baby na nasa NICU."

"Paano si Troy? Iiwan ba talaga natin siya rito?"

"Don't worry about him, he's fine, aalagaan siyang mabuti. Meron siyang bantay sa loob at labas ng hospital. Isa pa, araw-araw din natin siyang dadalawin.

"Okay."

Nakabihis na ako, pumili ako ng damit na medyo maluwag para itago ang payat kong katawan, kahit pa sabihin ng doctor na nadagdagan ang timbang ko, malayo pa rin ito sa dating katawan ko.

Sinuotan ako ni Yana ng facemask. Sinasabayan niya ang mabagal kong paglakad. Inaalalayan niya ako sa lahat ng pagkakataon. Habang naglalakad kami ay hawak niya ang kamay ko. May dalawang bodyguard na nakasunod sa amin ni Yana. Ramdam ko ang proteksyon na ginagawa niya para sa amin ni Troy.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن