Chapter 37

1.6K 56 8
                                    



Lucienne Auroré Fejeros

Minulat ko nang dahan-dahan ang mga mata ko, nalilito at hindi ko alam kung saan ako naroroon. Ang mga maliwanag na ilaw sa itaas ay nakakasilaw, sinisikap kong unawain ang paligid ko. Kung ano ang nangyari sa akin, pero blanko ang isip ko.

Hanggang sa unti-unting luminaw ang aking paningin, nakita ko ang puting pader ng silid at naririnig ko ang mahinang tunog ng mga makina malapit sa akin.

Huminga ng malalim, sinisikap kong hanapin ang lakas ko sa gitna ng kahinaan ng aking katawan.

Sinusubukan kong alalahanin kung paano ako napunta sa lugar na ito. Ang huling pangyayaring naaalala ko ay noong nasa loob ako ng bahay sa isla, natutulog ang mommy. Ano ba ang nangyari?

Napatingin ako sa kamay ko, sinundan ko ng tingin ang nakakabit na manipis na tube sa kamay ko-----dextros?

Nasa hospital ako?!

Inilibot ko ang tingin ko dito sa loob ng silid, walang ibang tao. Nakakaramdam ako ng konting kirot sa may ibabang bahagi ng tiyan ko. Pero bakit hindi ko na nararamdaman ang paggalaw ng baby ko? Biglang bumalik sa akin ang takot.

Pumasok sa silid ang isang doktor at nurse. Agad akong tinanong.

"Can you tell me your name, hija?"

"L-Lucienne." Nanghihina man ako ay pinilit kong sumagot.

"Are you experiencing any pain?"

"M-may nararamdaman akong kirot sa ibaba ng tiyan ko. Yong baby ko hindi na rin po gumagalaw."

"Normal lang na makaramdam ka ng kirot dahil wala na ang epekto ng anesthesia sa katawan mo. At ang baby mo ay nasa incubator na para sa patuloy na development niya."

Napatitig ako sa doctor. Tama ba ang narinig ko?

"Nanganak na ako?" Nalilitong tanong ko.

Ngayon lang unti-unting naging malinaw ang lahat sa akin. Naalala ko na, umiiyak ako ng matindi sa loob ng bahay habang kinakausap ako ng mga pulis, pagkatapos non ay nagising na ako dito sa loob ng hospital.

"Nasa kritikal ang kalagayan mo nong dalhin ka rito. Kaya't nagsagawa kami agad ng isang emergency na operasyon upang mailigtas kayo ng sanggol. Pero huwag ka nang mag-alala, kailangan mo na lang magpagaling at magpalakas."

"Ang anak ko pa ba ay----"

"Lalake ang inyong anak. Pitong buwan pa lang siya kaya kailangan pa niyang manatili sa incubator......"

Habang nagsasalita ang doctor, iba't ibang emosyon ang naramdaman ko. Napawi ang takot sa dibdib ko dahil sa nalaman ko, nakaligtas kami ng baby ko. "Ang mommy ko?"

"Your mother is being taken care of well, hija. So you don't need to worry anymore."

Napapikit ako, naiiyak ako, dahil pagkatapos ng mahabang panahon na hirap, at pag-aasam na mailigtas kami ay nangyari din sa wakas.

"Thank you po." halos hindi ko magawang sambitin ang salitang binitawan ko dahil nasabayan na ito ng pag-iyak ko.

"You're a fighter, hija. Pareho kayo ng anak mo, ni isa sa inyo walang sumuko. By the way, nasa labas ang asawa mo. Ipapatawag ko siya para makausap mo."

Biglang gumuhit ang kirot sa dibdib ko nang banggitin ng doctor ang asawa ko. Isang eksena agad ang nagbalik-tanaw sa isipan ko. Lantaran niya akong niloko. Akala ko doon na matatapos ang kalbaryo ko nang muli ko siyang makita, pero dobleng sakit ang ipinaramdam niya sa akin nang mag-halikan sila ni Divine sa harapan ko, naalala ko rin na sapilitan nila akong pinapirma sa divorce papers. Wala silang puso!

"Ayoko siyang makita, ayoko siyang makausap. Huwag niyo siyang hahayaang lumapit sa akin. Paki-usap, dahil baka ikamatay ko na kapag nakita ko pa ulit ang taong iyon."

Halata ang pagtataka sa mga mata ng doctor.

"...ang gusto kong makita ay ang anak ko, hindi siya."

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Ang pait at sakit na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko ay hindi kayang pantayan ng kahit anong hirap na pinagdaanan ko sa buhay. Kahit pagsama-samahin pa lahat ng pagpapahirap sa akin ng mga taong halang ang mga kaluluwa.

Walang papantay sa sakit na ipinadama ng taong pinagkatiwalaan ko, ang taong minahal ko at pinagkukuhanan ko ng lakas para magpatuloy. Sa isang iglap ay para niya akong pinatay.

"I understand. Huwag ka nang umiyak, hija. For now, you need rest at iwasan mong ma-stress dahil matindi ang pinagdaanan mo para lang sa buhay na meron ka ngayon. Hinihintay ka ng anak mo, gusto mo ba siyang makita?"

Tumango ako. "Opo."

"Kung ganon, wala kang ibang iisipin kundi ang magpalakas at magpagaling."

Pagkatapos naming mag-usap ng doctor ay lumabas na siya. Naiwan sa isip ko ang mga sinabi niya. Kailangan kong gumaling para sa anak ko, mula ngayon siya na ang inspirasyon ko sa buhay, wala nang iba.

Sapat na sigurong kabayaran ang sakit na idinulot sa akin ni Yana sa mga atrasong nagawa ko sa kanya noon.

_________________________________

Yana Echavez

Nagkataong nandito ako sa labas ng silid nang marinig ko kanina sa nurse na gising na ang asawa ko, naroon na sa loob ang doctor. Hindi tuloy ako mapakali habang naghihintay. Gusto kong malaman ang kalagayan ng asawa ko.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan at lumabas ang doctor.

"Doc, kumusta na ang asawa ko?"

"She's awake, and based on my observation, she's doing fine. She remembers everything that happened before she lost consciousness."

Ngayon lang ulit gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang mga sinabi ng doktor. "Pwede ko na ba siyang makausap?"

Nagtaka ako nang umiling ang doctor. "It is better to give her time na mapag-isa. Dumadaan sa matinding trauma ang pasyente."

"A-akala ko ba okay na siya, doc?"

"Yes, okay naman ang pasyente. But I"ll be honest with you, she doesn't want to see you or talk to you."

Biglang bagsak ng mga balikat ko sa sinabi ng doctor. Akala ko mabibigyan na ako ng pagkakataon para malapitan ang asawa ko, o makausap man lang siya at mayakap. Miss na miss ko na siya.

"....makakabuting hayaan mo muna siyang magpalakas, and give her time to process everything she went through in the past seven months."

Wala akong nagawa kundi sundin ang payo ng doctor. Sabi ko na nga ba, isusumpa ako ng asawa ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko akalain na magdudulot iyon ng sobrang sakit.

Umupo ako dito sa hallway bench. Maghihintay na naman ako ng pagkakataon para makausap asawa ko. Pero paano kung ayaw na niya akong makita kahit kailan?






TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch37 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc_sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P_ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora