Chapter 21

2K 69 17
                                    


Lucienne Auroré Fejeros

Two days later.

NAGTIPON-TIPON muli ang mga kamag-anak ni Yana dito sa labas ng bahay ni Lola Esmeralda, at naghanda sila ng lechon na baboy at iba pang lutong bahay. Parang napakasaya nila na makita ako at makasama. Ilan lang sa kanila ang nakapunta sa kasal namin ni Yana sa America, ang iba sa kanila ay ngayon ko lang nakita at nakilala.

"Sweetheart, may ipapakilala ako sayo. Ito nga pala ang pinsan kong si Kayla. Ka-edad mo lang siya, nagta-trabaho siya sa Manila. Nagbakasyon siya rito para makilala ka."

"Hello, Kayla. Nice to meet you."saad ko.

"Hi, so ikaw pala ang wife ng Ate Yana ko. You're beautiful. Sabi ko na nga ba hihintayin ni Ate ang pagdating mo sa buhay niya."

"Thank you."saad ko at napangiti sa kanya. Matangkad din si Kayla at may kapayatan ito. Lahi siguro nila ang matatangkad na babae.

"Sweetheart, iwanan muna kita rito sa pinsan ko. Sasalubungin ko lang ang mga bisita na galing Davao at Cebu. Nandoon na daw sila sa bayan, hindi kakasya ang mga bagahe nila sa tricycle."

"Okay, sure."

Kasama ang isang pinsan ni Yana ay sumakay sila sa van saka nagbyahe.

"Do you really love my Ate Yana?" tanong ni Kayla.

Nag-init ang mga pisngi ko. "B-bakit mo naman naitanong iyan?"

Tinitigan niya ako sa mata. "Kasi parang naiilang ka at lagi kang nag-iisip. You know what? Matagal kaming naghintay na ipakilala niya sa amin ang babaeng mahal niya."

"M-mahal ko siya, Kayla. Napaka-bait niya, at mapagmahal." Pinilit kong maging kalmado ang boses ko at maging natural sa pagsagot sa kanya.

Ngumiti siya. "At alam kong mahal na mahal ka din ng Ate ko. Hindi ko siya nakitang tumitig sa isang babae kagaya ng pagtitig niya sayo, halatang in love siya."

"Ha?"

"Bakit? Hindi mo ba nararamdaman na mahal ka ng Ate Yana ko?"

"I-I mean, Oo ramdam ko. Hindi ko lang napapansin na lagi niya akong tinititigan."

"Lagi ko siyang nahuhuli na tinititigan ka niya, she really loves you Lucienne. At alam ko rin na gusto ka ni Lola Esmeralda at Tita Estelita."

Flattered ako sa narinig ko. Ramdam kong pinapahalagahan nila ang presensya ko. At sa lahat ng mga nakilala kong kamag-anak ni Yana ay si Kayla ang nakapalagayan ko agad ng loob. Madaldal kasi siya at hindi nawawalan ng kwento.

"Oh bigyan niyo ng pagkain si Lucienne, huwag niyo gugutomin." saad ng tita nila.

Ang iba ay nagbigay ng mga prutas para sa akin, pinaghanda ako ng makakain at maiinom. Ang iba ay nagbigay ng mga imported goods, at binigyan din ako ng mga alahas. Ayoko mang tanggapin pero masama raw ang tumanggi sa regalo. Nasa tradition raw nila na ang mga asawang babae ay binibigyan ng mga gintong alahas.

"Bakit parang espesyal ako kung ituring ng mga tao dito, Kayla?" tanong ko sa kanya. Nandito kami sa dulo ng mahabang table.

"Kasi mahal ka ng Ate Yana ko. At ikaw din ang nagdala ng swerte sa amin, kaya espesyal ka."

"Ha? B-bakit naman?"

"Kasi bago ka dumating sa buhay ni Ate Yana, hindi nag-uusap-usap ang mga magulang namin na anak ni Lola Esmeralda dahil sa agawan ng mga lupa. Pero nong malaman nila na ikakasal na si Ate, bigla-bigla ay nagkasundo ang mga magkakapatid. Dati hindi mo sila makikita na magkakasama sa iisang lugar pero tingnan mo ngayon, masaya ang lahat. Kaya sana habang buhay mong mamahalin ang Ate ko. Makaka-asa kang mamahalin ka rin namin."

Napalunok ako at napatingin kay Yana na halos kararating lang. Napangiti siya nang mabaling ang tingin niya sa akin.

"P-pangako mamahalin ko ang Ate Yana mo.....habang buhay."

Kung bakit ko nasabi ang salitang 'habang buhay' ay hindi ko rin alam. Hindi ko tuloy alam kung naso-sobrahan ko ba o nagkukulang ako sa pag-arte.

Pero paano kapag natapos ang palabas na ito? Baka isumpa nila akong lahat!

"Kayla, maiwan muna kita. Pawis na pawis si Yana. Pupunasan ko lang yong-----."

"Oh sige na. Totoo ang sinabi sa amin ni tita Estelita, ang sweet mo raw kay Ate Yana."

Kumakabog ang dibdib ko sa mga naririnig ko kay Kayla. Paano ako naging sweet? Dahil ba kumandong ako kay Yana? Binalewala ko na lang ang isipin na iyon.

Dumampot ako ng table napkin at nilapitan si Yana.

"Bakit naman pawis na pawis ka?" Tinuyo ko ang pawis niya sa noo at ilong.

"Sira ang aircon ng sasakyan, kaya mga bagahe lang ang naiuwi namin. Sasakay na lang yong mga bisita sa Van ng isang pinsan ko."

Habang tinutuyo ko ang pawis sa noo niya ay bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil nakatingin silang lahat sa amin.

"Ang sweet naman ng wifey ko. Swerte ko talaga sayo." Inakbayan niya ako at dinala sa table.

Sa una ay ilang na ilang ako, pero habang tumatagal ay nararamdaman ko ang pagtanggap nila sa akin sa kanilang malaking pamilya.

Sabay kaming kumakain nang lumapit ang daddy Melvar niya. "Lucienne, hija. Kung anong gusto mo sabihin mo sa amin at ibibigay namin, ha? Yang anak ko hindi ka niyan pababayaan, kasi pinalaki ko yan na mapagmahal."

"Dad, lasing ka na."saad ni Yana. Tama nga siya. Nakainom ang daddy niya.

"Hindi ako lasing, nakainom lang. Ang gusto ko lang naman sabihin, Yana anak. Lahat ng hilingin ng asawa mo sa atin ay ibibigay natin. Basta bigyan niyo na kami ng apo."

Halos mabilaukan ako sa kinakain ko. Ubo ako ng ubo! Hinagod nang hinagod ni Yana ang likod.

"Dad, talaga! Binibigla mo naman si Lucienne. Kakakasal lang namin, hindi madaling gumawa ng bata lalo na sa kagaya namin."

Pinainom niya ako ng tubig at halata sa mukha niya ang pag-aalala. Ang ibang mga kamag-anak niya ay natatawa sa narinig pero ang iba ay sumasang-ayon na magkaroon kami agad ng anak ni Yana.

"Hindi ko naman kayo minamadali, yong mga kaibigan mong sina Jillian, at yong iba pa. Aba'y may mga anak na, ah. Kaya hindi rin imposible sa inyo ni Lucienne ang magkaanak kahit pareho kayong babae. Di ba?"

"Oo, tama si Tito."sagot ng mga pinsan niya.

Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko nang tumakbo palayo.

"Mangyayari yan Dad, pero hindi sa ngayon."

"Yana apo, kahit magkano pa ang magastos niyo. Susuportahan namin kayo." si Lola Esmeralda na umaasa rin na magkaroon kami ng anak.

Napasubo ata ako rito....

TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch21 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc_sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P_ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now