FINALE

3K 76 17
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

Troy is eight months old now, at nandito pa rin kami sa hacienda Esmeralda. Malikot na siya, napakahilig niyang gumapang at pilit na tumatayo kapag may nakakapitan siya. He loves oranges, gusto rin niya ng yogurt, at hot cake. Gustong gusto niya kapag pinapaliguan siya. Ang dating payat, ngayon malusog na ang katawan niya. Masarap siyang panggigilan.

Karga ko si Troy nang dumating si Yana, sumaglit kasi siya sa bar dahil may mga deliveries ng mga supplies.

"Nandiyan na si dada."saad ko kay Troy, tumingin siya sa sasakyan na huminto dito sa harapan ng bahay. Pagbukas ng pinto ng kotse, bumaba si Yana. Yumakap sa batok ko si Troy ng mahigpit. Wala ata siyang balak pansinin ang kanyang dada.

"Hi sweetheart." Dinampian niya ako ng halik sa pisngi. "....hello pretty boy."

Walang imik si Troy, nang titigan siya ni Yana ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Nang hawakan ang kamay niya agad niyang binawi at yumakap sa akin ng mahigpit.

"Troy, come here, anak." saad ni Yana pero hindi siya pinansin. Kumapit maigi sa akin ang anak namin.

"Such a mama's boy!" reklamo ni Yana, natatawa tuloy ako sa kanya.

"Troy, punta ka kay dada."saad ko pero ayaw bumitaw sa akin. Umiiyak nang pilitin ni Yana na kargahin siya.

Walang nagawa si Yana kundi halikan na lang si Troy sa pisngi. Hindi ko rin alam kung bakit sa akin laging gustong dumikit ang batang 'to, kaya natatawag tuloy siyang mama's boy.



•••

Tapos na ang bagyo sa buhay ko. Divine has been sentenced. The ancestral house has been returned to Mommy Sofia. The same goes for Don Alberto's bar, which my Dad built a long time ago, it's back in our possession.

Dahil kung hindi ibabalik sa amin ni Tita Rowena ang dalawang mahalagang ari-arian ng pamilya namin, I would have filed a murder case against her. Yes, a murder case! Dahil nahalungkat lahat ng kalokohan niya nong gumugulong ang imbestigasyon sa mga kaso ni Divine.

Ang Isla Cose Belle kung saan kami nakulong ni mommy, ay pagmamay-ari ng dating karelasyon ni Tita Rowena bago pa si Dad. Namatay rin ang taong iyon dahil sa private plane crash kagaya ni Dad. Lumabas sa imbestigasyon na modus ni Tita Rowena ang magpaibig ng mayayaman at matatandang lalake, saka papatayin sa bandang huli.

Kung bakit hindi na ako nagsampa ng kaso laban sa kanya.

Una, para madali kong makuha ang Alberto's bar at ang ancestral house dahil kung idadaan pa iyon sa korte magiging mahabang proseso na naman.

Pangalawa, hindi ko na kailangang hanapin ang hustisya para kay dad, not because I didn't love him, but because he chose to love someone na magpapahamak din pala sa kanya bandang huli. He was the one who started this torment sa buhay namin ni mom. Kung hindi siya naging pabayang asawa at ama, hindi sana namin dinanas ni mom ang hirap sa kamay ni Tita Rowena at ni Divine.

Ano pa bang maiiwan kay Tita Rowena ngayon kundi ang sarili na lang niya. She was all alone now, walang kahit ano.


NANDITO kami ngayon sa Fejeros ancestral house, karga ko si Troy sa mga bisig ko. Bagong pintura ang bahay, bagong ayos. Ngayon lang ulit nasilayan ni mommy ang bahay na ito, at nakikita ko sa mga mata niya ang tuwa.

"Mommy, sure ka ba na gusto mong tumira mag-isa dito sa Ancestral house?"

"Oo, anak. Mahalaga sa akin ang bahay na ito dahil dito kita pinalaki. At ayokong maging abandonado ang bahay na ito. Nandito lahat ng magagandang ala-ala para sa akin. Huwag ko na lang isasali yong mga pangit na ala-ala na nangyari sa buhay natin." Nakangiti pero teary-eyed si mommy.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt