Chapter 22

1.7K 53 11
                                    


Lucienne Auroré Fejeros

Ang mga tilaok ng manok at hindi ang alarm clock ang gumising sa akin ngayong umaga. Nagmulat ako ng mga mata at tumagilid mula sa pagkakahiga dito sa kama, kahit disoriented pa ako dahil sa antok ay nagawa kong pagmasdan ang mukha ni Yana na natutulog sa sofa. Nakabalot ang kumot hanggang balikat niya, parang lamig na lamig siya. Nakabukas ang lumang aircon kaya bumaba ako ng kama at pinatay ito. Ganon pa man, nanunuot pa rin ang lamig sa balat ko. Malamig siguro talaga ang panahon.

Nilapitan ko si Yana saka ko siya ginising.

"Yana, gusto mo bang lumipat muna sa kama?"

Tumagilid siya. "No."

Mukhang antok na antok siya kaya hindi niya gustong lumipat.

Binuksan ko ang pintuan ng balcony, nakatutok rito ang papalabas na sikat ng araw. Masarap sa pakiramdam ang naghahalong init at lamig ng panahon. Sariwa din ang hangin na nagmumula sa mga kakahuyan. Hinayaan kong masinagan ako ng araw. Umupo ako dito sa monobloc chair, inilapat ang likod ko sa backrest saka ako pumikit.

Matagal na buhat nong makatikim ako ng bakasyon kagaya nito, walang nag-uutos, walang naninigaw. Tahimik ang paligid, mga huni ng ibon, at iyak ng mga baka ang naririnig ko. Masarap ang ganitong buhay, kung nandito lang sana ang mommy ko baka hindi ko na pangarapin na umalis rito.

Nagmulat ako ng mga mata, at tumayo. Bumalik ako dito sa loob. Medyo naiinip ako kapag matagal na walang ginagawa kaya tinawag ko si Yana. Gising na siya, ayaw lang niyang bumangon.

"Yana...." sambit ko saka ako umupo dito sa tabi niya

"Mmm." Umungol siya, dahan-dahang nagmulat ng mga mata.

"Pupunta ako sa kitchen."

Napakurap-kurap siya saka siya umupo at humikab. "Anong gagawin mo don?"

"Tutulong ako, nahihiya ako dahil hindi ako kumikilos dito."

"You don't need to do that, Lucienne. May taga-luto naman. Nandito tayo para magbakasyon."

"Sure ka ba? Baka sabihin nila na ang tamad ng napangasawa mo."

Napangiti siya. "Masyado mo namang ginagalingan ang pagiging asawa, sweetheart. Sana ganyan ka rin sa akin, habang magkasama tayo, iparamdam mo sa akin na asawa kita."

"Anong sinasabi ko, ha? Nagpakasal ako sayo para magpanggap, hindi para gawin ang gusto mo------ayy!"

Bigla siyang humiga saka niya ako hinila kaya napasubsob ako sa leeg niya.

" ..Yana, ano ba!"

"Hindi ba ako masarap kasama at kausap, hmm?"

Habang nakapatong ako sa ibabaw niya ay napatingala ako at sinalubong ang mga titig niya. Sandali akong napaisip------kaya ba biglang nagbago ang mood niya kagabi dahil sa sinabi ko na masaya kasama ang mga kaibigan at mga kamag-anak niya? Hindi ko siya isinali.

"Uhmn, hindi." sagot ko. Pinipigil ko ang ngiti ko.

"Hindi? Ahh ganon?"

Bigla siyang bumalikwas, sa isang iglap ay naipahiga niya ako dito sa gilid ng sofa. Hindi ako makakilos dahil nakadantay ang isang paa niya sa mga paa ko.

"Yana, anong ginagawa mo, ha?"

Napaigtad ako at napasigaw nang hawakan niya ang tagiliran ko, kiniliti niya ako! "Yana! Stop it! Ughmn! Ahh!"

Kahit anong pagpupumiglas ko, hindi ako makawala sa kanya.

"Nagtyatyaga ka lang pala na kasama ako, ganon?"

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon