Chapter 03

3.7K 139 14
                                    

Yana Echavez

Pumasok ako dito sa wine cellar para sandaling umiwas sa ingay ng mga tao sa dance floor area. Ang silid na ito ay dinisenyo upang magbigay ng pinakamahusay na kondisyon para sa mga itinatagong mga alak. Kontrolado ang temperatura dito sa loob at gawa sa magagandang klase ng kahoy mula sahig hanggang kisame, at ang mga luxury wines ay may mga espesyal na estante para siguraduhin na secure ang mga ito. Tatlo lang ang pwedeng pumasok sa silid na ito-----Ako, ang Manager at ang Assistant Manager.

Habang nandito ako sa loob ay payapa ang isip ko dahil sa binibigay nitong katahimikan mula sa maingay na kapaligiran ng bar. Ang mga bote ng alak ay maayos na nakalagay sa mga estante at hindi ko mapigilan ang pagkamangha habang tinitingnan ko ang koleksyon ng mga mamahaling alak na nasa harapan ko.

Bawat bote ay may kwento, patunay sa kasanayan at dedikasyon na ginugol upang likhain ang mga kahanga-hangang alak na ito. Ang mga label ay nagsisilbing kuwento ng mga taniman ng ubas sa malalayong lugar, patunay na ang mga sinag ng araw ang humahalik sa mga bunga ng ubas, at ng mga bihasang gumagawa ng alak.

Habang patuloy ako sa pagmamasid dito sa loob, ang aking mga mata ay napunta sa iba pang mga bagay na nauugnay sa alak. Iba't ibang hugis at laki ng mga wine glass, mga decanter, at mga corkscrew ang nagbibigay-kulay sa mga estante, bawat isa ay may sariling tungkulin sa mundo ng pagpapahalaga sa alak. And I was captivated by the beauty of the wine cellar, and I couldn't help but feel a sense of gratitude for having the opportunity to consider this room my hideaway. The artistry and passion that went into creating and preserving these exceptional wines were evident.

Nabulabog ang pananahimik ko nang may pumasok dito sa loob, hindi ako kumibo. Hinawakan ko ang isang bote ng alak para punasan ng malambot na tela.

"Boss Yan', magaling yong nakuha mong dishwasher. Mabilis kumilos at madaling turuan."saad ni Ken. Siya ang Manager ng bar. Hindi ako lumingon sa kanya bagkus ay ibinalik ko ang bote sa lagayan nito. ".....permanent position ba ang ibibigay mo sa kanya?"

Napabuntong-hininga ako habang patuloy sa ginagawa ko, kumuha ulit ako ng isa pang bote at pinunasan. "No. Paki-assist na lang si Lucienne sa paggamit ng mga machine sa paghuhugas, sabihan mo rin na ingatan ang mga mamahaling glasswares."

Saglit akong lumingon sa kanya bago ibinalik ang atensyon ko sa hawak ko.

"Yes boss, at huwag kayong mag-alala madali siyang turuan. By the way, kailangan ko ng wine para sa guest na nasa VIP room. She's a politician, mid-fifties and widower." saad ni Ken. Bawat mga VIPs or nga upper class guests ay inaalam namin ang background nila. Dahil sa kanila kumikita ng malaki ang bar.

And for a woman in her mid-fifties who is a politician and a widower, I would suggest a wine that is both elegant and approachable. Kaya kinuha ko ang Pinot Noir (Pee-noh Nwahr) na alak. It is known for its versatility, delicate flavors, and smooth tannins, which can make it an excellent choice for someone who appreciates a balanced and nuanced wine.

"Here." Maingat na inabot ko sa kanya ang bote ng wine.

"Thank you, boss."

Pagkaalis ni Ken ay natatawa ako na may halong inis, hindi dahil sa wine. Naalala ko ang usapan namin ni Lucienne. I offered her to waive her bill in exchange for a date. To my surprise, she declined it and chose to wash dishes. What a disppointment! Mas pinili pa niyang maghugas ng mga plato kesa sa isang gabing date na inaalok ko sa kanya. Kung paano tinanggihan ni Lucienne ang aking alok na mag-date ay talaga namang nakakatawa.

Pagkatapos kong punasan ang ilan sa mga bote ng alak ay nag-inventory na rin ako para siguruhing walang nawawala. Lumabas na ako at isinara ang mabigat na pinto, ti-nap ko ang ID ko para kusang mag-lock ito.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon