Chapter 2

3.4K 132 12
                                    

Zendaya


Nakakalat na mga paninda. Nakapilang mga kalesa. Mga taong nagbabatian tuwing makakakita ng mga kakilala. Iyan ang ilan sa mga na-obserbahan ko habang naglalakad-lakad dito sa siyudad ng taong ito.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung paano at bakit ba ako napunta sa taong ito. Kanina lang ay parang tumatakbo lang ako palayo sa mga tauhan sa palasyo. Ngayon naman ay nandito na ako. Ang weird.


Mabuti nalang nakatakas na ako sa palasyo rito. Hirap pala makalabas at pasok doon. Kaya nagtataka ako paano ako nakapasok doon, eh? Oo, kwarto ko 'yon at doon ako nakatira. Pero, hindi sa taong ito.


Iba ang prinsesa sa taong ito. Hindi ako prinsesa rito. Mas lalong hindi dapat nila malaman kung sino ako. Malamang magkakaroon ng kaguluhan. Baka isipin pa nilang baliw ako. Tutulad pa ba ako sa baliw kong ama na gusto ako ipakasal.


Gusto ko nga silang takasan. Pero wala naman akong sinabi na dito ako dalhin ng paa ko sa taong 1898. Sabagay, wala rin naman na akong magagawa. Kailangan ko nalang mag-isip ng paraan para makabalik na sa mundo ko.


What if gawin ko rin yung ginawa ko? Tumakbo ako papunta sa malaking puno para mauntog ako? Parang siraulo ang dating. Pero kung ayon lang ang way, why not?



Oh, diba pati kung paano siya manalita ay nagaya ko na rin. Wala eh, mukhang kinakailangan kong maki-ayon.



Kaso, yung malaking puno na iyon ay parte sa palasyo. Mukhang mahihirapan akong makapasok doon. Sobrang higpit pa naman nila. Tsaka, mukhang wala naman akong mahihingian ng tulong dito. 'Di ko naman sila close. Wala naman akong kakilala.


Bakit ba naman kasi ako nandito. Wala namang dahilan para manatili pa ako rito.


Uy! Meron kaya. Yung magandang prinsesa sa taong ito. Aminin! Type mo 'yon.


Isa pa sa problema ko yung prinsesa na 'yon eh. Hindi ako ang prinsesa sa taong ito kundi yung Prinsesa Eleanor na 'yon. Maganda nga nakakatakot naman. Pero, at least, maganda. Makikita ko pa kaya siya?


Nang papalapit na ako sa maraming tao. Napansin ko namang tinitignan nila ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng mala-anghel na mukha kagaya ko? Wala namang problema. I-enjoy lang nila. Baka bukas makabalik na rin ako sa mundo ko. Sana nga.


Patuloy pa rin ang pagtingin nila sa'kin. Ano bang meron? Agad naman akong napatingin sa suot ko. Gagi, kaya naman pala! Yunh suot ko nga pala eh Gucci. Wala pa siguro talagang ganitong brand sa era na 'to. Obvious naman siguro 'no?


Sanay na ako sa ganitong tingin ng mga tao. Ganyan din naman sa panahon ko, eh? Pero, mas nakakakilabot yung kanila.


Hay, gutom na rin ako. Saan naman ako bibili ng pagkain? Binilisan ko nalang ang paglalakad at binalewala na ang tingin ng mga tao sa akin. Bahala sila dyan!


At sa hindi inaasahan or should I say katangahan? May nabangga ako.


"Can't you see? Ang lawak-lawak ng daanan. 'Di ka nalang doon dumaan." Iritang saad ko sa nabangga ko bago ito tignan. Eh, ang lawak-lawak na nga eh hindi ba roon sa kabila dumaan. Always keep right, kaya!


Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at muntikan na akong yumuko nalang ulit dahil sa nakita ko. Sht! Kung minamalas ka nga naman. Bakit siya pa?


"Hindi ako bulag. Sadyang hindi ka lamang tumitingin sa iyong dinaraanan. Marahil ika'y isang ubod nang kabulagan. Stupida." Masungit na saad nito sa akin at tinaasan pa ng kilay. Hindi naman ako nakaimik agad. Sa ikalawang pagkakataon. Bad shot na agad ako sa magandang prinsesa na 'to.


Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now