Chapter 6

2.4K 115 31
                                    

Zendaya



Ala Rasi, mi amor. Anything for you, my love.



Hindi ko namalayan kung anong oras na ako nagising. Napuyat kasi ako kaiisip sa sinabi ni Prinsesa Eleanor kagabi. Kaso, pagkatapos naman n'on eh umalis din agad at iniwan ako? Gulo niya eh 'no?




Pinakilig pero hindi pinandigan. Sakit mo na!



Bumangon na ako at nag-ayos baka hinahanap na ako eh. Sabihing ang tamad-tamad ko pa, huhu! Ako yung inatasan ng Hari na samahan at bantayan ang prinsesa. Pero, nagmumukhang ako yung prinsesa sa aming dalawa sa panahong ito.



Nang matapos akong makapag-ayos ay nakaramdam na rin ako ng gutom. Anong oras na kaya? Bakit feeling ko gutom na gutom naman ako. Saktong pagbukas ko ay may tao sa harapan ko. Kaya hindi ko napigilan na makapagsabi nang hindi magandang salita. Ayaw ko kasing ginugulat ako eh, huhu!



"Gago!" Gulat na saad ko sa kanya at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito. Si Prinsesa Eleanor! Patay na ako lalo!



"Gago?" Takang pag-uulit niya sa sinabi ko. Gago, bakit niya ginaya? Pero, bakit ang ganda ng accent pag siya nagsabi? Huhu! Teka, hindi pa ba nag-eexist ang word na 'yon sa panahong ito? Don't tell me ako ang nagpasimuno n'on sa panahong ito? Make my parents proud nga naman.




"Uhm, p-pasensya na po Prinsesa Eleanor. Ako'y nabigla lamang po sainyong pagsulpot. Huwag niyo rin pong banggitin ang salitang iyon." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya at binilinan ko na rin siyang 'wag sabihin iyon. Shunga naman kasi Zendaya eh! May matutunan na nga lang na word sa akin ang Prinsesa, iyon pa talaga.




"Gago? Gago? Gago?" Mas nanlaki pa ang mata ko nang marinig kong ulitin niya ito. Nang-aasar ba 'to? Pero, bakit ang inosente ng mukha niya at halatang hindi alam ang sinasabi! Hindi agad ako nakasagot dahil inaabsorb ko pa ang sinabi niya!



"Ano ba ang ibig sabihin n'on?" Takang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na bad 'yon o maganda? Baka mamaya parushan ako kapag nalaman niyang hindi maganda ang salitang iyon. Ngunit, baka naman paulit-ulit niyang banggitin ito. Habang busy ako sa pag-iisip ay bigla naman itong nagsalita muli.




"Gago si Sofia." GAGO! Agad kong tinakpan ang bibig nito at hinila papasok sa tinutuluyan ko. Bakit naman niya nasabi iyon?!



"Mahal na prinsesa, ano ka ba naman! Hindi magandang salita ang nasabi ko kaya ipagpaumanhin niyo po." Pag-eexplain ko sa kanya. Ngumisi naman ito ng nakakaloko. Ano na naman balak nito? At talagang si Sofia pang walang kamalay-malay ang ginawa niyang example.




"Bakit? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang iyon? Hindi ba't bagay kay Sofia mo iyon?" Sarkastikong saad niya sa akin. Anong sinasabi nitong Sofia ko? Kelan ko pa siya naging pagmamay-ari! Kung may gusto man akong angkinin, ay itong babae sa harapan ko!




"Mahal na prinsesa, unang-una po ay tigilan niyo na po ang pagbabanggit sa salitang iyon. Ikalawa, wala pong salitang Sofia ko. Kung Prinsesa Eleanor ko, pwede pa. Pangatlo, paumanhin po kung nasabi ko iyon dahil nagulat lamang po ako sainyo. Ika-apat, hindi ko namalayan ang oras dahil ako'y hindi nakatulog nang maayos." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Kaloka 'tong araw na 'to, ha! Kagigising ko lang ay ang dami na agad nagaganap. Tulog nalang kaya ulit ako? Charot!




"Imposibleng walang namamagitan sainyo ni Sofia. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa't saya tuwing kasama ka!" Naiiritang saad nito sa akin at inikutan pa ng mata. Naiinis na rin ako sa kanya, ha! Tamang hinala ka dyan, ha!



Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now