Chapter 10

2.3K 100 4
                                    

Zendaya



Avec Toi, je sui moi. With you, I am me.



Katahimikan ang namuong tensyon sa aming dalawa. Parehas naming iniisip kung sino ba at bakit nasabi iyon sa kanya nang kung sino. Baka naman pinagtitripan lang siya at balak agawin si Prinsesa Eleanor sa akin? Sisingit pa eh!




"Alam mo nagtatampo na ako sa'yo." Basag ko sa katahimikang namumuo sa amin. Nabibingi na ako dahil super tahimik namin.




"Ano naman ang ginawa ko sa'yo?" Tanong niya sa akin. Hindi niya ba nararamdaman na miss ko na siya? Makiramdam ka naman, laloves!





"Nasa tabi mo naman ako pero iba ang iniisip mo. Swerte naman no'n!" Sagot ko sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng kaliwang kilay niya. Ito na naman siya. Pero, at least nag-uusap diba?






"Edi, lumayo ka sa akin, para ikaw ang aking isipin." Mataray na saad nito. Teka, ano raw? Seryoso ba siya? Kasi gagawin ko talaga 'yon. Para lang isipin niya ako.






Tumayo naman ako sa pagkakaupo at akmang maglalakad na palayo nang bigla na naman itong magsalita. "Stupid! Kahit kelan talaga ay hindi ko alam kung bakit ka ganyan. Walang araw na hindi mo ako binibigyan ng dahilan para hindi sumama ang loob ko sa iyo." Napatingin naman ako sa kanya matapos niya itong sabihin. Bakit ako na naman? Sinunod ko lang gusto niya!





"Mahal na prinsesa, gusto ko lamang na isipin mo rin ako 'no. Sinunod ko lamang ang sinabi mo. Masunurin kaya ako." Sambit ko rito at binigyan ng matamis na ngiti. Feel ko talaga ang cool ko tuwing ngumingiti eh. Feel lang. Feeler ako eh.





"Sa tingin mo ay iisipin kita kahit lumayo ka? Tss!" Mataray na sambit nito sa akin at inirapan pa ako. Aba naman 'to! Pabago-bago rin ang pag-iisip. Kahapon lamang ay may pasabi-sabi pa siya kung sumama na lang kaya siya sa akin. Tapos ngayon, kung makapag-sungit eh!






"Ito naman kasi! Hindi ka naman mabiro, laloves. Ano ba kasing iniisip mo? Share mo naman at makikinig ako sa'yo." Nandito naman ako willing makinig sa kanya. Gano'n naman talaga diba? Buong buhay ko never ako nag effort para sa isang tao. Para sa akin ay sagabal lamang ang mga ito sa mga kagustuhan ko. Wala rin naman akong naging jowa before. Pinaka-ayaw ko pa naman yung pinipigilan ako sa mga gusto ko. Pero, kung itong prinsesa ang magiging asawa ko? Pakasalan ko pa 'to right now.







"Iniisip ko lamang na kapatid ko pala si Sofia. Masyado pa naman akong naging maldita sa kanya." Sagot nito sa akin. Natawa naman ako onti.





"Kahit naman sino ay sinusungitan mo. Wala ka namang pinipili dyan. In born ka na atang ganyan. Wal———aray!" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang batuhin ako ng kutsara at saktong sapul sa noo ko! Sadista rin talaga!






"Stupid! Iyan ang nakukuha mo dahil kung ano-ano na lamang ang iyong sinasabi kahit hindi naman totoo." Hilig niya talaga akong tawagin ng Stupid eh 'no? Ano yan magiging call sign namin? Tsaka, anong sinasabi nito na hindi totoo. Eh, palagi nga niyang pinapakita 'yon.







"Pasensya naman. 'Wag na mainit ang ulo, ha? Tahimik ako rito, oh. Kwento ka lang kung gusto mo. Pero, gusto ko tanungan tayo eh. Ako muna masusunod." Sambit ko rito at ngumisi sa kanya. Ayaw niya ba no'n? Getting to know each other? Hindi yung pakikiligin ako tapos kinabukasan ay parang wala lang. Hindi ako nagpaparinig pero ang pangalan nito ay Deborah.





"Ano naman ang iyong gustong malaman?" Tanong nito sa akin. Agad naman akong lumapit dito para ayain siya na lumabas.




Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now