Chapter 9

2K 98 8
                                    

Zendaya



Qui audet adipiscitur. Who dares, win.



"Zendaya!" Rinig kong sigaw sa akin ni Sofia. Kahit hindi pa ako lumilingon ay alam kong sa kanya yung boses na 'yon. Sa totoo lang, nagtataka nga ako eh kung sino ba ang magulang nila ni kutong-lupa. Sabi kasi niya malapit na kaibigan daw ito ng mahal na hari. Pero, ni-minsan ay hindi ko ito nakitang dumalaw dito.





"Sofia! Nandito ka pala. Kumusta ka na?" Nakangiting sambit ko rito nang makarating ito sa harapan ko. Mukhang bihis na bihis siya, ah? Ano kayang meron?





"Ayos lang naman ako, Zendaya. Ikaw ang kumusta na?" Nakangiting sagot nito at binalik ang tanong sa akin.




"Ganoon din ako. Ano nga pala ang pakay mo rito at bihis na bihis ka ata?" Tanong ko sa kanya.




"Magkakaroon ng kainan ngayong tanghali rito sa palasyo kasama ang aking nakatatandang kapatid. Mahalagng usapin daw ang kanilang pag-uusapan ngayon." Sagot nito sa akin. Mahalaga? Ano naman kaya 'yon?




"Ah, ganon ba? Wala akong ideya sa iyong sinasabi. Kung gayon ay halika na't ihahatid na kita roon." Pag-aaya ko sa kanya at tumango-tango naman ito. Ano kayang meron ngayon? Wala manlang nabanggit ang mahal na prinsesa sa akin kahapon.





Pagkatapos niya kasing sabihin iyon sa akin ay bigla naman itong pinatawag ng kanyang ama kaya naudlot din ang aming pag-uusap. Kahit naman namimiss ko ang laloves ko ay kailangan pa rin niyang puntahan si Ama. Nakiki-ama na ako ngayon?!





"Ang lalim naman ng iyong iniisip dyan! Hindi ka ba masaya na nandito ako?" Pukaw sa akin ni Sofia kaya't napabalik ako sa kasalukuyan.





"May iniisip lamang ako. Nga pala, ilang taon ka na pala?" Tanong ko sa kanya.





"Dalawampu't dalawang taong gulang na ako. Ikaw ba?" Sagot niya na ikinatigil ko sa paglalakad. Teka, 22 years old na siya? Ka-edad niya lamang ang nawawalang anak ng hari. Napatingin naman ako rito maigi. Medyo may kasingkitan ang kanyang mata, gaya ng hari.





"Titig na titig ka naman masyado sa akin!" Biglang saad nito sa akin. Posible kayang siya ang hinahanap na anak ng hari?




"Nakalimutan mo na ba ang edad mo kaya't hindi mo masagot ang tanong ko?" Sarkastikong tanong nito sa akin.




"Mas matanda ka lamang sa akin ng dalawang taon." Nakangiting sambit ko rito para hindi niya mapansin na masyadong malalim ang iniisip ko. Kailangan kong ipaalam ito sa mahal na hari. Kung sakali man na siya nga ang nawawalang anak ng mahal na hari.





"Kung gayon ay mas matanda pala ako sa'yo? Akala ko ikaw ang mas matanda sa atin. Sayang!" Nanghihinayang na sambit nito sa akin. Natawa naman ako sa kanya. Pati edad nakikipag-kumpetensya.





Hindi ko namalayan na nandito na pala kami at napansin kong kumplete na sila rito sa kainan. Nakaupo ang hari sa pinaka-unahan. Nasa kaliwa naman nito ang mahal na reyna. Sa kanan naman ay ang mahal na prinsesa na saglit kaming nagkatinginan, ngunit pinutol niya rin ito kaagad. Baka kasi may makapansin. Ma-issue pa kaming dalawa niyan. Napansin ko naman ang kutong-lupa ay nasa tabi ng mahal na reyna. Bakit nandoon 'yon? I mean, hindi ba't pag gano'n ay ang katabi niya ang mahal na prinsesa?




Hindi naman sa nagdedemand ako na dapat magkatabi sila. Buti nga ay hindi 'no! Baka na-torture ko na yan ngayon. Pero, iba yung nararamdaman ko sa kanilang dalawa. Bakit kaya sila magkatabi?




Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now