Chapter 12

2K 101 11
                                    

Zendaya




Aut viam inveniam aut faciam. I will either find a way, or make one.




Sa bilis ng panahon at oras ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kahihintay sa mahal na prinsesa. Maaga raw itong umalis upang asikasuhin ang mahalagang bagay. Hindi naman siya nagpaalam sa akin para masamahan ko sana siya. Kaya't kaninang umaga ay napagpasiyahan ko na lamang na mag-ayos ng aking gamit at maghanda bago bumalik sa aking panahon. Hindi ko rin namalayan na ako'y nilamon ng antok kanina kaya't pagkagising ko ngayon ay gabi na. Ilang oras na lamang pala ang natitira sa akin.






Kinakailangan makapunta ako sa malaking puno bago pa man sumapit ang alas dose ng madaling araw. Babalik na naman ako sa panahon kung saang meron ako at wala ang iniibig ko. Mahirap para sa akin, ngunit mas mahirap kung hindi ko pipiliin ang mas makabubuti rito. Kung mananatili man ako sa panahong ito ngunit kapalit naman ang kanyang buhay, ay wala ring saysay ang aking pananatili rito.





Agad na akong lumabas ng kwarto upang hanapin ang mahal na prinsesa. Kinakailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Ano kayang magbabago sa akin pagbalik ko roon?





Kung sabagay, sa akin pa rin ito nakasalalay. Sapagkat walang magbabago kung wala manlang akong babaguhin. Kung kinakailangan kong umalis sa aming palasyo ay gagawin ko para lamang sa kalayaan na aking gustong makuha.






Teka, anong meron at nagkakagulo silang lahat? Agad akong lumapit sa isang katulong dito upang itanong kung ano ba ang nangyayari.




"Bakit nagkakagulo ang mga tao? Nasaan ang mahal na hari at ang mga anak nito?" Tanong ko rito. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot.





"Bali-balita po na nakawala sa kulungan ang mahal na reyna." Sagot nito sa akin na ikinabigla ko. Agad naman akong kumaripas ng takbo para hanapin ang mahal na prinsesa. Bakit ngayon pa?! Akala ko pa naman ay maayos na lahat.





Nang makita ko si Sofia ay agad naman akong lumapit dito kasama niya ang mahal na hari. Nagtatago sila ngayon at bakas din sa kanilang mga mukha ang kaba at takot. Pero, bakit sila lang ang nandito? Nasaan ang mahal na prinsesa?






"Mahal na hari! Nasaan po ang mahal na prinsesa?" Tanong ko agad dito nang makalapit ako sa kanila.





"H-hindi ko alam. Kanina pa namin siya hinahanap ngunit agad naman itong tumakbo palabas." Sagot nito sa akin at tumayo na kasama si Sofia.





"Hindi pwedeng nandito lamang ako. Kailangan kong tumulong sa labas." Sambit ng mahal na hari.






"Ama! Baka kung ano pang mangyari sa iyo. Hayaan mo na ang iyong mga tauhan ang gumawa nang hakbang upang mahuli ang dating mahal na reyna at ang aking nakatatandang kapatid." Pagpigil sa kanya ni Sofia. Ibig sabihin ay kasama si kutong-lupa?






"Ngunit, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa palasyo. Anak ko, hahanapin ko ang kapatid mo at sisiguraduhin kong magiging ligtas kayo. Sa ngayon ay sundan mo ang aking mga tauhan at tutulungan ka nilang makapunta sa taguan kung saan ay walang makakakita sa iyo." Sambit ng mahal na hari.






"Mahal na hari, tutulong po ako sa inyong paghahanap sa mahal na prinsesa. Sofia, mag-iingat ka, ha? Masaya akong makilala lang. Hanggang sa muli!" Saad ko sa mahal na hari at nagpaalam na rin kay Sofia. Hindi ko alam kung makikita ko pa siya. Pero, kung sakali man na hindi na ay sana maging maayos ang lagay niya.





Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now