Chapter 8

2.1K 121 3
                                    

Zendaya


Recherché. Carefully chosen; rare.




Pagsapit ng hapon, matapos ang aming pag-uusap ng mahal na hari ay napagpasiyahan ko munang maglakad sana palabas upang doon ko na lamang hintayin ang mahal na prinsesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali ang aking pag-iisip sa sinabi ng mahal na hari. Mas lalo akong binigyan ng dahilan para hindi na muna umalis at manatili na lamang dito.



Habang naglalakad ay may napansin akong isang pigura ng tao at nakabalot ito sa itim ng tela. Agad ko namang sinundan kung saan ito papunta. Sino 'to? Paanong may nakapasok dito na ibang tao? Eh, mahigpit ang mga gwardya rito at hindi agad-agad makapapasok ang kung sino man.



Hindi na ako nagdalawang isip na sundan pa ito. Habang sinusundan ko ang taong ito ay napansin ko namang nasa gubat na kami. Ngunit, hindi ito yung gubat na una kong pinuntahan. Iba ang parte na ito. Nagpalinga-linga ako upang hanapin yung taong sinusundan ko ngunit nawala ito sa aking panangin. Saan naman napunta 'yon?




Napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko ang malaking puno sa aking harapan. Hindi lamang ito basta-bastang puno. Itong puno ay kung saan ako bumangga at nawalan nang malay! Ibig sabihin ay mali ang direksyon ko noong sinubukan kong hanapin ang malaking puno sa gubat. Ibang parte pala ang aking napuntahan.




Laking tuwa ko naman na natagpuan ko na 'to. Salamat at may pag-asa na rin akong bumalik sa mundo. Ngunit, paano ang mahal na prinsesa? Hindi ko na lamang ito pwedeng iwan nang basta-basta. Lalo na't bilang na lamang ang natitirang araw ng mahal na hari. Walang ibang makasasama ang mahal na prinsesa. Hindi ako papayag na apihin ito ng reyna na 'yon. Mas lalong hindi ako papayag na sa kutong-lupa lang siya mapupunta!




Pero, kailangan kong malaman kung ito nga ba ang iyong puno na 'yon? Pero, anong gagawin ko? Tatakbo muli hanggang sa bumangga rito? Paano kung makabalik na ako sa panahon ko at hindi ko na muling masilayan ang mahal na prinsesa? Hindi maaari.




Akmang maglalakad na sana ako papunta sa direksyon kung nasaan ang malaking puno nang higla na lamang sumulpot ang kanina ko pang sinusundan na nakabalot sa itim na tela. Agad naman niyang tinanggal ito at napagtanto ko na isang matandang babae ang nasa harapan ko.




"Nalalabi na lamang ang iyong araw." Direktang saad niya sa akin. Teka, sino ba 'to para makapagsabi no'n sa akin? Ngayon nga lang kami nagkita eh. Pero, kung makapagsalita ay akala mo matagal na kaming magkakilala.




"Mawalang-galang nalang po. Paano kayo nakapasok dito?" Pagtatanong ko sa kanya. Hindi naman niya ito pinansin.




"Alam kong hindi ka taga rito. Ngunit, nalalabi na lamang ang iyong mga araw. Kinakailangan mo nang makabalik sa iyong panahon, sa madaling panahon." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ang kanyang sinabi. Alam niya na hindi ako taga rito? Paano? Wala naman akong ibang pinagsabihan, kundi ang mahal na prinsesa.




"A-ano pong alam niyo tungkol sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Kung kilala niya ako, posible kayang siya rin ang makatulong sa akin, upang makabalik sa panahon ko?




"Recherché. Ikaw ang nakatadhana na mapunta sa panahong ito upang mabago mo ang masalimuot na pangyayari sa taong ito. Bagama't kinakailangan mong matapos ang iyong misyon bago ang iyong kaarawan." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya at hindi alam ang susunod na sasabihin. Ngayon, medyo naliwanagan na ako kung bakit ako naririto, pero bumabagabag pa rin sa aking isipan na kung bakit ako ang napili.



Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now