Chapter 5

2.4K 114 13
                                    

Zendaya


Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng nag-uusap malapit sa akin. I groaned as I felt that my head is spinning. Ang sakit ng ulo ko at hindi ko magalaw ang buong katawan ko. I felt weak right now. Pilit kong minumulat ko ang mata ko para makita kung sino ang nag-uusap.


"Huwag kang maingay at baka magising siya. Bilin ni prinsesa Eleanor na pagpahingahin muna siya." Saad ng isang babae sa kausap niya. Hindi ko naman maaninag sino ang mga ito.


"Tinitignan ko lamang kung maayos na nga ba ang kalagayan niya. Kinakailangan na niyang makainom ng gamot para maagapan ang kanyang karamdaman." Rinig kong sagot ng isa sa kausap niya. Teka, ibang tao sila? Wala si prinsesa Eleanor?



Napamulat ako nang mapagtanto ko na baka umalis ito nang hindi ako kasama. Bilin pa naman ng kaniyang ama na samahan ko ang anak niya kahit saan 'to magpunta. Bigla kong minulat ang aking mata at napatingin sa kanila. Akmang uupo na sana ako ngunit hindi ko masyadong magalaw ang katawan ko. Ang hina ko ngayon.



Agad namang pumunta sa akin ang dalawang babae para alalayan ako, "Bilin po ng mahal na prinsesa na huwag po muna kayong masyadong gumalaw. Umalis lamang siya sandali, ngunit babalik din. Manatili lamang po kayo sa inyong hinihigaan para makapagpahinga." Bilin nitong isang babae sa kaliwa ko habang inaaalalayan ako pahiga.



"Ngunit kinakailangan na niyang uminom ng gamot para maagapan siya." Saad naman nitong nasa kanan ko. Napatingin naman ako rito. Ngayon ko lang siya nakita, ah?




"Hindi pa siya kumakain." Sagot naman nitong nasa kaliwa ko. Napatingin naman ako sa kanya. Dito talaga sila magtatalo eh 'no? Nasaan na ba kasi ang prinsesa? Nangungulila na ako, huhu!




"Ako na ang bahala sa kanya. Maaari ka na munang lumabas." Saad naman ulit nitong nasa kanan ko. Teka, pag-agawan ba naman nila ako? Si prinsesa Eleanor lang ang gusto ko!




"Hindi, bilin ng prinsesa na hindi ko siya iwanan dito." Sagot naman nitong nasa kaliwa ko. Sige, mga beh sa harap ko kayo mag face to face. Wala bang batuhan ng upuan na magaganap dyan? Charot!




Akmang magsasalita pa sana itong babae sa kanan ko para sagutin yung nasa kaliwa. Ngunit, bigla namang may pumasok na babae. Agad namang nagningning ang mga mata ko nang makita ko ito. Andyan na pala ang gamot ko. Kanina ko pa 'to hinahanap eh.




"Prinsesa, nariyan na po pala kayo." Saad ng isang babae at nagbigay galang pa ito. Buti naman at natigil na sila. Saved by my princess. Thanks, laloves! Isang kiss naman dyan, oh! Charot! Baka mahawa pala siya.



"Maaari na kayong lumabas dalawa." Utos niya sa dalawa at agad naman itong lumabas. Sa wakas! Tahimik na ang paligid ko. Lumapit naman ito sa akin at tinignan ako. Bigla ko naman naalala lahat ng mga nangyari sa amin. Ginawa ko 'yon? Kapal naman ng mukha ko!




"Kumusta ang iyong pakiramdam?" Tanong nito sa akin at lumapit pa. Sige pa, lumapit ka pa nang ma-kiss mo naman ako. Eme!



Ngumiti muna ako bago sumagot. Kung sabihin ko kayang magiging maayos ako kapag niyakap niya ako? "Hindi maayos." Sagot ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Baka delusional lang ako?



Ang pag-aalala sa kanyang mukha ay agad napalitan ng pagiging masungit mode niya. Ito na naman tayo eh 'no, "Kung hindi ka ba naman stupida at naligo ka pa talaga sa ulan." Panenermon nito sa akin. Hindi nalang ako bigyan ng kiss eh. May sakit na nga, sinermonan pa.



Hindi nalang ako umimik. Nagtatampo pa ako sa kanya 'no. Hindi niya ako sinama eh umalis pala siya kanina. Sino naman kasama niya? Kainis! That should be me ~


Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now