Chapter 11

2.1K 91 6
                                    

Zendaya



Collywobbles. Butterflies in stomach.





Kinabukasan ay matapos niya akong pakiligin kagabi ay kasalungat naman ng nga pangyayari ngayon. Nandito kami ngayon sa kabilang bayan upang samahan siya. Nakasuot naman ito nang sinaunang overcoat at nakasumbrero pa yan. Ewan ko rito? Nagdidisguise raw siya pero halata namang siya na siya pa rin yan.





"Mahal na prinsesa, kanina pa tayo palakad-lakad dito. Ano nga ba talaga ang iyong sadya rito?" Tanong ko sa kanya. Nakailang balik na ata kami rito sa kinatatayuan ko. Hindi niya pa rin ata mahanap yung hinahanap niya. Ayaw naman niya sabihin para matulungan ko siya. Edi, sana nahanap na namin agad diba?






"Maghintay ka lamang at huwag mainip. Darating din ang aking hinihintay." Sagot naman nito sa akin. Pang ilang beses na niya sinabi yan? Gugutom na ako eh!






"Maaari mo bang sabihin kung ano ba kasi talaga ang ating hinihintay?" Pangungulit ko sa kanya sapagkat nakailang tanong na rin naman ako sa kanya pero ayaw niya talaga sagutin. Sige, paulit-ulit tayo rito.





"Huwag kang makulit at manahimik ka na lamang. Darating din iyon. Tss!" Masungit na turan nito sa akin kaya natahimik na lamang ako. Ayaw ko na makipag-argue. Nagugutom na nga ako eh. Nagmamadali kasi siyang pumunta rito, huhu!






"Mahal na prinsesa. Ipagpaumanhin niyo po kung natagalan kami sa pagdating." Lapit ng isang lalake sa amin na nakasakay sa kalesa. Napatingin naman ako sa kanyang sinasakyan. Hindi lamang ito ordinaryong kalesa. Ang ganda ng pagkakagawa!






"Huwag mo nang intindihin iyon. Tapos na ba ang aking pinapagawa sa iyo?" Rinig kong tanong ng mahal na prinsesa sa lalake. Anong pinapagawa? Hilig talaga nito magsikreto.






"Opo, kaya't sumakay na kayo at ihahatid ko na kayo roon." Sagot ng lalake at pinasakay kami. Saan kami pupunta?





"Halika na't sumakay ka na upang hindi tayo matagalan bago makapunta sa atin paroroonan." Pag-aaya ng mahal na prinsesa na agad ko namang sinunod.





"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi ko manlang sinasabi sa akin nang ako'y makapaghanda rin sana." Pangungulit ko muli sa kanya.






"Malalaman mo rin kapag tayo ay naroon na." Sagot niya sa akin. Oh, diba? Ewan ko na rito!






"Gising na at narito na tayo." Naririnig kong sambit sa akin ng mahal na prinsesa habang tinatapik ang aking mukha. Nakatulog ako! Gano'n ba katagal ang biyahe namin?






Nang makalabas kami sa kalesa ay pinagmasdan ko naman ang kapaligiran. Ang ganda! Napaka refreshing ng hangin at ibang-iba ito sa palasyo. Napansin ko naman na parang kami lamang ang tao rito. May ganitong lugar pala rito?






"Ikaw pa lamang ang nakakaalam ng lugar na ito." Pagpapahayag niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at sinundan ito kung saan papunta. Ang swerte ko naman pala kung gano'n? First time niya magdala rito at ako pa yung una niyang dinala. Crush talaga ako nito eh. Confirm!





"Bakit pala tayo naririto?" Tanong ko sa kanya.




"Dahil gusto ko lamang mapag-isa." Sagot niya sa akin. Gusto niya pala mapag-isa eh bakit isasama niya pa ako?




"Aalis na ako." Sambit ko rito.




"Ang sabi ko gusto kong mapag-isa, ako at ikaw ay iisa." Sagot nito sa akin na ikinatigil ko sa paglalakad. Ayan na naman siya eh! Alam na alam kung paano ako kukunin eh! Palibasa alam na alam niyang babalik at babalik ako sa kanya eh! Hindi ako marupok, pero sige na nga.




Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon