Chapter 22

2K 80 6
                                    

Zendaya








What are you willing to do? I value you the way you value everything that is important to you, especially your favorites.









Tomorrow is the day we are going out of town because of the school activities. Katatapos ko lang mag-impake at siniguro kong wala akong nakalimutan at naiwanan. Ayaw kong kung kelan nakarating na kami roon ay may hindi pala ako nadala. Tsaka, bukas bago kami umalis sisiguraduhin ko ring nakasara lahat ng pwedeng pagsimulan ng sunog. Baka mamaya makalimutan kong nakasaksak pa rin yung rice cooker kung kelan lumalangoy na ako.








Nakikituloy pa rin naman ako sa penthouse ni Cleo, pero hindi ko pa rin siya pinapansin pagkatpos nung nangyari sa amin last week. Ewan, basta hindi ko pa talaga feel, eh? Hindi ko pa rin kasi ma-absorb kung bakit. Tsaka, next time ko na rin siya tatanungin about sa kung ano pang nalalaman niya.








Nakahiga na ako sa kama habang nagpapatugtog gamit ang Spotify ko. Naki-connect lang ako kay Vivienne, 'no! Tipid era, kasi ako ngayon eh. Lalo na't alam kong kinakailangan kong mas kumayod pa at buhayin yung sarili ko.








Habang nagpapatugtog ay nag scroll-scroll lang ako sa social media ko. Naalala ko tuloy na may Instagram nga pala si Professor Ansaldo, 'no? Tsaka, hindi pa pala kami friends on Facebook!








Pero, hindi ko naman alam anong name niya. Baka kasi iba, eh? Text ko kaya? Ay, 'wag na, stalk ko nalang si Vivienne, mas safe pa 'yon.








Naalala ko na naman yung sinabi ni Professor Ansaldó sa akin na, I'm free to go in their house, but mas lalong free ang access ko sa pagpasok sa buhay niya!









Laking tuwa ko naman nang makita ko ang account niya. Pinindot ko 'to at chineck ang profile niya. Grabe! Umaabot ng libo yung mga pictures niya? Kahit na limang pictures lang naman yung meron siya. Tsk, mukhang marami pala akong kaagaw dito.








Napansin ko naman na biglang naging English songs yung kaninang OPM songs na pinapatugtog ko. Pinindot ko ulit 'to para bumalik sa playlist ko nang biglang magbago na naman. Ano ba naman, 'to si Vivienne! Nag text naman ako sa kanya na makikigamit ako, pero bakit pinapalitan niya pa rin, tsk!








Nagtagumpay naman ako nang hindi na nito pinalitan pa. I love OPM songs, kaya! Bigla naman pinatugtog yung Lihim by Arthur Miguel; Naalala ko bigla yung moment ko with Prinsesa Eleanor. Kumusta na kaya siya? Bakit kaya hindi siya yung naging Reyna, at kapatid niya yung nasa trono? Hindi ko pa kasi ulit natatanong kay Vivienne kung tinuloy niya na ang pagbabasa, pero sabi niya hindi pa raw kasi naging busy din siya these past few days.








Kelan ko kaya ulit makikita si Manang Roberta? Kaso, pag nakita ko naman siya, hindi naman niya sinasagot nang direkta yung mga tanong ko. Tsaka, yung sulat na iniwan niya sa coffee shop, pagkatapos ko siya makita ay palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon. There are so many questions that are still unanswered. Tanggap ko na rin pala na hindi si Professor Ansaldó si Prinsesa Eleanor, obvious naman siguro diba? sa pananalita palang eh magkaiba na sila. Ang pagkakapareho lang nila ay yung kagandahan at katalinuhan nila sa pagkagamit ng mga salita. Pero, paano kaya 'no kung one day makita ko ulit si Prinsesa Eleanor?








--------











Morning came at nandito na kami ngayon sa campus, ang yaman nga ng school, eh, kasi provided nila yung eroplano na gagamitin para makarating agad doon. Sabi nga pala, tig dadalawang department bawat lugar, ganoon sila kayaman. Yung napunta sa amin ay sa Coron Palawan, kasama namin ang Engineering Department, which is sina Rashida, I'm thankful for that!





Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now