Chapter 3

2.9K 120 26
                                    

Zendaya





Someone said, "A lot of people struggle with sleep because sleep requires peace." I felt that. Iyon ang nararamdaman ko ngayon, paano nga naman ako makakatulog ng payapa, eh hindi ko naman mundo 'to. Baka mamaya pagkagising ko na naman nasa ibang dimension naman ako. Kaya nag-desisyon nalang akong lumabas at maglakad-lakad sa loob ng palasyo.





Hirap akong makatulog, syempre naninibago ako. Hinihiling ko na nga lang na sana panaginip nalang lahat ng mga 'to. Pero, hindi kabilang si Deborah sa panagip, ha! I mean, Prinsesa Eleanor pala.




Anong oras kaya lalabas 'yon sa kwarto niya? Baka namimiss na niya akong makita. Handa pa naman akong salubungin siya nang yakap. Asawa feels lang.





Habang naglalakad ako ay napapansin ko ang pinagkaiba nang palasyo sa taong ito, kumpara sa palasyo na tinitirahan ko sa mundo ko. Mas gusto ko ang pagkakaayos ng mga gamit sa taong ito. Yung sa amin kasi walang kabuhay-buhay, parang anytime pwedeng bilhin nang kahit na sino eh. Hiyang-hiya naman ako sa pagka-royal blood nila.




Ewan ko ba bakit ganoon ang magulang ko sa akin. Lalo na 'yang si Henry, kung umasta parang 'di ako anak. I mean Haring Henry/Tatay kong baliw. Lahat nalang gusto ay siya ang nasusunod. 'Di ko na kasalanan kung bakit ang kulit ko at pasaway. Gusto ko lang naman maging malaya. Pero, bakit ang daming hadlang?




Natigil ang pag-iisip ko nang mapansin kong papalapit na si Prinsesa Eleanor. Ang ganda naman nito! Malamang ay palaging maganda ang gising ko kung ganito ba naman kaganda ang makakasalubong mo. Why not?





"Magandang umaga sa'yo, Prinsesa Eleanor. Pero, mas maganda ka kaya huwag ka papatalo." Bati ko sa kanya at pinuri ko na rin. Plus points ka dyan, Zendaya!




Ngunit pansin ko naman ang nakataas niyang kaliwang kilay. Sungit naman nito. Wala bang maganda sa umaga nito? Lalo na't ako naman ang nakita niya.



Imbes na batiin ako pabalik ay iba naman ang sinabi niya sa akin. "Mayroon akong dadaluhan mamayang hapon. Siguraduhin mong makakaalis tayo sa takdang oras. Ayaw kong mahuli sa pagpunta." Bilin niya sa akin na walang pinapakita na kahit na anong emosyon. Siguro, kinikilig 'to kasi niyaya niya ako mamaya eh!




"Date ba yan? Sige, g ako!" Excited na saad ko sa kanya at nakatanggap lamang ako ng nakamamatay na tingin. Sabi ko nga eh hindi na magbibiro.



Nauna na 'tong maglakad at hindi na ako nilingon pa. Simple lamang ang suot niya at bagay-bagay sa kanya ang puting dress habang naka-ipit ang kanyang mga buhok. Parang napadaan lang 'to eh.




Nagkibit-balikat nalang ako at nagsimula na muling maglakad-lakad. Pinagmamasdan ko ang mga naka-pintang larawan na nakasabit sa wall nila. Nag-iisang anak lang kaya si Prinsesa Eleanora? Halos lahat kasi rito ay silang tatlo lang ng kaniyang ama at ina ang litrato. Akalain mo 'yon? Parehas pa kami. Meant to be talaga.




"Ipinapatawag po pala kayo ng mahal na Prinsesa." Biglang sulpot ng katulong nila sa tabi ko kaya ang nakangiti kong labi at napalitan nang gulat kong mukha.



"Nakakagulat ka naman eh!" Sagot ko sa kanya at napahawak sa batok. Ay, teka si ate pala 'tong nagbigay ng gamot at pinagkamalan akong si Deborah. Wow, close?




"Paumanhin po at nagulat ko kayo. Abala po kasi kayo sa pagtingin ng mga larawan at mukhang kayo po ay nasisiyahan sa inyong nasisilayan." Pagpapaumanhin nito sa akin at agad ko namang napansin ang hawak nitong basong tubig at gamot.



Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now