Chapter 23

2.4K 87 4
                                    

Zendaya






Don't look back. Learn from your mistake. Let go of everything that keeps you moving forward, and don't be afraid to do something else.








"Gumising ka na nga!" Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Cleo. Unti-unti ko namang minulat ang mata ko at tumingin sa kanya.








"Maya na." Reklamo ko rito at nagpatuloy sa pagtulog. Bitin naman yung panaginip ko na kausap ko sa chat si Professor Ansaldó. Hindi na nga siya nag reply doon. Ginawa akong last chat, hmp!








"Gigising ka o dadapo 'to sa mukha mo?" Naiiritang sambit ni Cleo sa akin at nakatapat ang kamao niya sa mukha ko. Inis na umalis ako sa pagkakasandal sa kanya at lumayo. Natutulog pa eh! Parang siya, 'di naman sumandal sa akin kanina.








"Nasaan na ba kasi tayo?" Walang gana kong tanong sa kanya.








"Tanga ka cousin! Nakababa na silang lahat. Napaka VIP mo kasi eh!" Inis na reklamo ni Cleo sa akin. Napatingin naman ako sa paligid naman. Hala, oo nga! Kami nalang pala natira. Nakakahiya.





"Bakit 'di mo kasi ako ginising?" Pagrereklamo ko rito.








Agad naman akong nakatanggap ng batok mula sa kanya, "Aray ko naman!" habang hawak ko yung parte kung saan niya ako binatukan. Sadista!








"Kanina pa kita ginigising. Kaya 'wag kang manisi dyan! Buti nga hindi kita iniwan dito 'no. Buti kamo kilala nila yung piloto ng eroplano at napaki-usapan." She explained to me. Nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi niya at kinuha yung mga gamit ko.











-------











"Zendaya, sinong Professor ang makakasama mo?" Tanong ni Cleo sa akin habang hawak-hawak yung gamit namin. Touch down, Coron Palawan malala! Grabe, parang ayaw ko na bumalik sa school namin. Noong prinsesa pa kasi ako eh hindi ko naman nararanasan makalabas nang ganito. Wala rin naman akong masyadong i-share sa inyo bilang buhay prinsesa. Para akong nakatira sa kulungan, 'no.







"Hindi ko pa alam eh. Kayo ba kilala niyo na sinong Professor makakasama niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Vivienne. Nakita ko namang biglang nagbago yung awra nila bigla nang dahil sa tanong ko. Mukhang alam ko na kung sino makakasama nila.






Kung magpaparticipate lang din si Professor Ansaldó, edi masaya diba? Kaso, hindi raw siya sasali eh. Magbabantay lang daw siya. Edi, sino kaya yung makakapartner ko 'no? Sana mabait!







Pero, speaking of Professor Ansaldó, Hindi na niya ako nireplyan sa panaginip ko after naming mag-usap kanina. Masyadong ghoster 'tong si Prof!





Napangiti ako nang maalala ko na naman tuloy yung sagot niya sa akin noong tinatanong ko siya kung anong kanya yung pinapakinggan niya. Para kasing ewan, eh? Ginawang English yung title ng kanta. Pero, kahit panaginip 'yon, inaamin kong kinikilig ako!





"Creepy mo, Zendaya!" Biglang saad ni Vivienne sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. Inirapan ko 'to kasi panira ng moment.






"Kaya nga eh. Grabeng smile 'yan!" Pakikisali rin ni Cleo. Nagsisimula na namang mambwisit 'tong dalawa na 'to. Sana makita ko na si Rashida. Miss Ko Na Rin Siya Kahit isang linggo ay kami naman yung magkasama dahil nag-iiwasan kami ni Cleo.







Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon