Chapter 4

2.4K 106 7
                                    

Zendaya


Apat na araw na ang nakalilipas nang mapunta ako sa panahong ito. Kung tatanungin niyo kung may improvement ba? Oo, sa pag tulog ko meron. Pero, kami ni Prinsesa Eleanor? Syempre, wala pa!



Maaga akong gumising para sana maglakad-lakad dito. Kailan kong mahanap yung malaking puno kung nasaan ba 'yon. Yun lamang ang pag-asa ko para makabalik sa mundo ko. Hindi ako pwedeng magtagal dito. For sure, hinahanap na rin ako nina Cleo. Apat na araw na akong nawawala. Hindi ko nga rin sure kung apat na araw din ang bilang sa panahon na 'to, kumpara sa panahon ko.



Maingat akong naglakad habang hindi pa gising ang Prinsesa. Baka magtaka 'yon kung nasaan ako eh. Pero, wala naman siyang sinabi kung may pupuntahan ba kami ngayon. Baka, wala?



Nang makarating ako sa magubat na lugar dito sa palasyo. Bawat lakad ko rin ay sinisiguro kong wala ring nakasunod sa akin. Mahirap na baka kung anong isipin ng mga bantay dito.



Napansin ko naman na parang paulit-ulit lang ang nilalakaran ko, pero hindi ko pa rin makita yung malaking puno, kung saan ako nauntog. Hindi kaya't maliit palang 'yon, ngayon? Pero, kahit na 'no! Medyo natatandaan ko naman kung saan ito nakapwesto.



Napapagod na ako. Hindi pa nga ako kumakain para lang mapaaga ang paghahanap ko eh. Bakit, wala rito? Nakaramdam ako nang kaba dahil hindi ko ito mahanap. Paano kung wala 'yon? Paano na ako makakabalik sa mundong ginagalawan ko? Nakakainis!



Nagpapadyak ako habang naglalakad dahilan nang pagkainis ko. Napasabunot ako sa buhok ko dahil masyado na akong nag-ooverthink. Pinaghalong kaba, pangangamba, at takot ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ba kasi ako napunta rito?


Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng yapak ng paa. Sino 'yon? Nasundan ba nila ako? Hindi, pwede!



Agad akong nagtago sa isang puno na hindi kalakihan. Sapat na para maharangan ako. Delikado pala ako rito. Baka, mamaya eh tuwing umaga naglalakad-lakad ang mga tauhan nila, para siguraduhing walang nakakapasok na kung sino.



Napahawak ako sa bibig ko nang maramdaman kong papalapit ang yapak ng mga paa nito sa direksyon kung saan ako nagtatago. 'Wag muna, please! Kailangan ko pang makabalik sa mundo ko. Hindi pa ako handang maparusahan sa mundong ito.



Akmang tatayo na sana ako nang may nagtakip pa lalo sa bibig ko. Tinakpan ko na nga eh, tapos tatakpan pa ulit?



Pamilyar ang amoy nito. Ito yung palagi kong naaamoy na mabango. Sa totoo lang paboritong amoy ko na nga 'to eh. Minsan nga maitanong kung anong brand.


Nang matigil ako sa pag-iisip at makabalik ako sa reyalidad. Na-realize ko kung kaninong kamay ang nakatakip sa bibig ko. Teka, si ———


"Prinsesa Eleanor?" Takang saad ko pagharap ko sa taong nakabalot ng itim na damit. Teka, bakit ganito costume nito? May costume party ba mamaya?



"Ano ang ginagawa mo rito?" Confirm, siya nga. Eh, siya? Anong ginagawa niya rito? Bukod sa alam ko namang bahay niya 'to.



"Bingi ka ba? Tinatanong ko kung bakit ka naririto nang ganito kaaga. Ikaw ba ay binabalak na masama?" Seryosong tanong nito sa akin habang ako nama'y nakatingin lamang sa kanyang mga mata. Ang ganda.



"Hindi ka ba talaga sasagot? Marahil kailangan ko na atang magpatawag ng ———"


"Hindi, huwag po! Ako lamang ay may hinahanap dito kaya ako napadpad sa lugar na 'to." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Bakit magpapatawag agad? Kulong agad ako? Grabe naman 'tong laloves ko. Walang awa sa future asawa niya. As if namang mangyayari, 'di ka naman taga rito.




Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now