Chapter 7

2.2K 104 11
                                    

Zendaya


Raison d'être. Purpose.


Matapos ang nangyari sa amin kagabi. Wow! Kala mo naman talaga eh 'no? Hindi ako pinatulog ni Prinsesa Eleanor dahil sa sinabi niya sa akin. Nung una pa nga ay akala ko'y nagbibiro lamang ito at sinasakyan lang ang pag amin ko na gusto ko siya.



Flashback...



"Naputol ata ang iyong dila? Bakit hindi ka na nakakapagsalita?" Bumalik ako sa sarili nang marinig kong magsalita muli ito. Matapos niya akong pakiligin ay bumalik na naman ito sa pagiging masungit. In born na ata sa kanya yan. Buti nalang gusto ko siya.


"Ipagpaumanhin mo, nabigla lamang ako sa iyong sinabi. Totoo ba iyon, mahal na prinsesa?" Paghingi ko ng paumanhin sa kanya at tinanong siya upang makasiguro. Mahirap na eh baka umasa ako, huhu! Aasa talaga ako, beh!


"Mukha ba akong palabiro kagaya mo? Hindi ko sasabihin ang bagay na iyon, kung hindi ko naman kayang panindigan." Masungit na tugon nito sa tanong ko. Gosh! Mga bakla! Ang prinsesa sa taong 1898 ay gusto rin ako!



"Parang naniniguro lamang ako eh. Ikaw, ha! Gusto mo pala ako." Panunukso ko sa kanya at nakatanggap lamang ako ng irap. Hindi naman iyon ang gusto kong matanggap.



"Kung bakit ba naman kasi hindi natuturuan ang puso kung sino ang iibigin." Seryosong saad nito sa akin. Teka! Nagsisisi na ba siya? Huhu! Grabe naman 'to, free trial lang 'yon?


"Teka! Bakit mo naman nasabi ang bagay na iyan?" Halo-halong pagtataka at kaba ang nararamdaman ko habang kaharap siya ngayon.



"Hindi para sa iyo ang sinabi kong iyon. Para iyon sa ibang tao na hindi nagawang gustuhin pabalik." Pagpapaliwanag niya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Kinabahan ako roon, ah! Napangiti ako sa kanya at sasagot na sana ako sa sinabi niya nang biglang magsalita muli ito.



"Sapagkat, kung sakali man na natuturuan ang puso nating ibigin ang kung sino ang gusto natin...



"Paulit-ulit kong tuturuan ang aking puso na ikaw ang piliin."



Bumalik sa reyalidad ang aking pag-iisip nang biglang may magsalita sa aking gilid. Napatingin ako rito habang hawak ko ang mga bulaklak na pinitas ko kaninang umaga at pinagsama-sama ito, upang ialay sa mahal na prinsesa.



"Magandang umaga, mahal na prinsesa." Nakangiting bati ko sa kanya at kinuha ang kanyang kanang kamay upang bigyan ng halik ang likod ng kanyang palad.


"Ano ang iyong ginagawa rito? Kanina pa kita hinahanap." Mataray na saad nito. Hindi manlang ako nakatanggap ng Magandang araw o hindi kaya't halik?


"Ako'y maagang naglakad-lakad sa palasyo upang maghanap ng mga bulaklak na aking pinitas at pinagsama-sama." Sagot ko sa kanya habang pinapakita ito sa kanya. Taka naman itong nakatingin sa akin. Hindi niya ba nagustuhan? Allergic ba siya?


"Para naman kanino iyan? At talagang pinapakita ko pa sa akin, kahit hindi naman iyan para sa akin." Tanong niya sa akin habang nakatingin sa bulaklak na hawak ko. Anong hindi para sa kanya? First time ko kaya gumising nang maaga para lang maghanap-hanap nito at ialay sa kanya. Confirm! Natamaan na talaga ako sa kanya.


"Wala naman akong ibang pagbibigyan nito, kundi ikaw lamang. Para sa iyo 'to, mahal na prinsesa." Nakangiting sambit ko sa kanya at binigay ang bulaklak. Tinanggap naman niya ito, pero hindi pa rin talaga mawawala yung pag irap. Mandatory na ata yan. Baka ang motto nito in life is, "I can't live without making irap."



Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityWhere stories live. Discover now