Chapter 32

1.7K 84 6
                                    

Flashback...



Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat habang naghihintay ako sa labas ng palasyo. Handa na akong makita muli ang aking ama, at malapit na kaming umuwi sa aming tahanan. Ang palasyo ang nagsilbing tahanan namin ng aking ina dahil malapit na kaibigan siya ng reyna, kaya't kinuha siya upang manilbihan dito. Matagal-tagal din bago kami uuwi muli, ngunit masaya ako dahil mabubuo na muli kaming tatlo. 


Hawak-hawak ko ngayon ang papel na aking ipininta kaninang hapon, handa na akong ipakita ito sa aking ama pagdating namin sa bahay. Ngunit biglang tinangay at nilipad ang papel dahil sa malakas na ihip ng hangin. Agad akong sumunod upang habulin ito at napansin kong napunta ito sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi ko pa nararating ang bahaging ito ng lugar dahil ito'y ipinagbabawal. Ngunit, walang pag-aalinlangan, sinundan ko ang papel na lumilipad, sapagkat ito ang aking handog na nais ibigay sa aking ama. Dali-dali akong tumakbo upang abutin ang papel, ngunit bigla akong nabangga sa isang malaking puno. Dahil dito, bigla akong nawalan ng malay.


Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may para bang may nakatingin sa aking mga tao. Unti-unti kong minulat ang aking mata at laking gulat ko ang isang lalakeng may hawak ng isang malaking baril ang aking nasaksihan. Nanlaki ang aking mata at dali-dali akong tumayo upang tumakbo palayo. Rinig kong tinatawag ako nito ngunit hindi ko ito nililingon dahil sa takot at kaba na aking nadarama. Nagpalingon-lingon ako habang ako'y tumatakbo, upang makasiguro na rin na hindi na ako nito sinusundan, ngunit sa kamalas-malasan ko ay may nabunggo akong isang tao dahilan upang mapaupo ako sa lupa at mapahawak sa aking noo kung saan tumama rin sa noo niya. 


Habang hawak-hawak ko ang aking noo at napadaing pa ako sa kirot ay unti-unti ko namang tinitignan kung sino itong nabangga ko. Laking gulat ko ay isang babae ito. Hindi lamang isang bastang babae, ngunit ubod nang kagandahan na babae. Hindi pangkaraniwan ang kanyang kagandahan at buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng isang mala-diyosa at anghel na kagaya niya. 


"Sino ka? Ngayon lamang kita nakita..." Biglang saad nito sa akin. Tila ba'y para naman akong na-hypnotized sa babaeng nasa harapan ko. 


"Aray!" Napahawak ako sa aking noo nang maramdaman kong bigla ako nito pinitik. Maganda nga ngunit mapanakit naman, tsk. 


"Kinakausap kita ngunit tinititigan mo lamang ako." Masungit na sambit nito sa akin. Nanatili lamang akong nakaupo sa lupa habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. 


"Mananatili ka na lamang ba riyan?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako bilang tugon. Narinig ko namang may binubulong-bulong ito ngunit hindi ko maintindihan. 


"Pasensya ka na. Ako'y nalilito rin sapagkat ngayon lamang kita nakita." Nahihiyang saad ko rito at napakamot pa sa aking ulo.


"Taga saan ka ba?" Tanong nito sa akin.


"Taga San Lorenzo ako. Ngunit, dito ako lumaki." Sagot ko sa tanong niya. Bakas naman sa mukha nito ang pagtataka sa sinagot ko. May nasabi ba akong mali? 

Echoes of Love, since 1898: A Love Transcending Time and RealityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant