sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

311 8 7
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷: ʜɪɴᴅɪ sɪɴᴀsᴀᴅʏᴀ

ᴀᴇᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Sa taong labing walo nasa buhay pa ako na nilalasap ang kaligayahan malimit kasi akong kasama ng barkada pero walang inuman, o ano na malimit sa tabing dagat kuwentuhan pero malimit tawanan. Pagka-uwi ko sa aming munting tahanan, halos nagkakagulo at ilang kamag-anakan namin naroroon may ilan pumipispis sa likuran ng aking ina; at umiiyak siya kaya nilapitan ko...


"Nay?" tanong ko na agad niya akong niyakap

"Wala na Tatay mo." Hagulgol niyang sabi.


Tahimik lang ako habang nakayakap siya na hindi naman ako galit kay Itay sadyang nakakainis lang siya, kasi hindi siya nakikinig sa mga pinagsasasabi namin sa kanya ni Inay. Nalaman kasi niya iyong pers lab niya namatay kaya ayun nalulong sa alak eh, nakaligtaan yata na may asawa at anak na siya.


"Saan ho siya nakita?" tanong ko.

"Sa banyo ni Manang Luz," sagot ni ina na halata mong puno na ang ilong niya ng sipon kaka-iyak.


Niyakap ko na lamang ang Nanay ko pero hindi namin katulong si Manang Luz so paanong?


"Nak, nasa ibang bahay ang Tatay at dinala lang dito para iburol." Paliwanag pa ng Nanay ko, at sinagot na niya ang katanungan ko sa aking kaisipan.


Ilang tita ko na asawa ng mga kapatid ng Nanay mga nagpuntahan para umalalay sa aming dalawa ni Inay. Nasa kuwarto lang kami ni Inay malungkot ako habang siya umiiyak.


"Saan ako nagkulang at nagpakamatay siya dahil lang sa pers lab niyang may pamilya na?" galit na tanong ni Inay.

"Nay, hindi kayo ang nagkulang," tugon ko sa kanya at tumingin siya sa akin na lumungkot ang mukha niya lalo dahil sa gamit niyang labi.

"Tapos niloko pa kita ngayon," ani niya medyo nagutla ako sa sinabi niyang yun.

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?" tanong ko sa kanya.


Ako si Aeji pero mas tawag sa akin ay 'Eji' ng Nanay ko nasa taong labing walong taon nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Nag-iisang anak niya sa yumaon ngayon niyang asawa na aking ama ang kanyang tarbaho ay karpintero na ngayon sinabi sa akin ng aking ina na mayroon itong ibang mahal maliban sa kanya.


"Anak dahil nahulihan ko ang Tatay na may ibang mahal kaysa sa akin eh, meron na din ako." tugon niya sa tanong ko.


So, sa huli iiwanan din ako pareho kung iyong isa habang buhay sa kabilang buhay, iyong isa naman sa piling ng kanyang bagong pamilya. Bakit ngayon pa? Bakit sa ganitong edad?


"Anak?" tawag ng Inay.

"No need to worry Ma...umm," pinipilit kong hindi lumuha sa harapan niya, "Ihatid ninyo na lang ako kina Lola if aalis ka na papunta sa new family mo," pilit kong ngumiti sa kanyang harapan.


Natigilan siya at saka pinawi ang kanyang mga luha na akala ko'y sasampalin niya ako dahil nasaktan siya sa sinabi ko...

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now