ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

21 6 13
                                    

𝟷𝟶: ᴡᴀʟᴀɴɢ ᴘᴏᴋᴜs

ᴀʟᴇᴄ's ᴘᴏᴠ

Huling araw ng linggo imbis na mayroong klase at saka pa nagkaseminar ang mga guro. May inabot sa akin ang katabi ko na si Alvin at dahil sa pangyayari wala na sina Erwin, ang inabot niya sa akin ay isang papel at may nakasulat na...

Ka-ano-ano mo si Pres Aegr?

Kunot noo akong tumingin sa kanya at ibinalik ang papel.


"Argh! Sagutin mo na Alec!" hiyaw niya.

"Wala. Kaya tantanan mo ako." Utos ko sa kanya.


Halos hindi ako makahinga sa pagkakahalik niya sa akin kahapon...halos mainit ang labi niya kahapon at malambot...


"Argh! Kainis!"

"Sorry na!" hiyaw pabalik ni Alvin sa akin.


Kainis eh! Ba-bakit? Bakit ganito ako mag-isip ngayon? Kasalanan niya ito!

Pero ang kamay niya sa batok ko, bakit parang ang sarap itabi sa balat ko? Nahahawakan naman ako ng tita at mama ah? Bakit parang iba pagdating sa kanya? Tsk! Kainis...heto na naman ako.


"Pwede bang umuwi na lang?" irita kong tanong.

"Gusto mong magkaraoke tayo?" tanong sa akin ni Alvin.

"Ngayon na?" tanong ko at tumango siya.

"Anabella tara!" yakag nito sa kaklase kong babae at kasama pa ang ilang kaklase kong babae.


Dami namin. Anim ang babae at tatlo lang kaming lalaki. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Zariel...teka paano kung hanapin nga ako? Bahala na. Karaoke lang naman kami tutal wala rin namang guro.


"Pres uuwi na kami ha?" paalam ni Anabelle sa presidente namin at tumango lang naman.


Kinuha na namin ni Alvin ang gamit at saka lumarga na ng alis kaso biglang yanig ng selpon ko...kinakabahan na ako, hopefully wala siyang alam na aalis ako. Lumayo muna ako mula kina Alvin nakita kong napatingin siya sa akin pero tinalikutan ko sila at saka sinagot ang tawag...


"Ano?" iritang tanong ko.

"Tara umuwi na tayo at wala ang mga guro ngayon,"

"May lakad kami mauna ka na sa bahay,"

"At saan?"

"Wala na ba akong privacy ngayon? Aba, pake mo!"

"Alec, alam mong ang privacy natin wala na dahil minarkahan na kita,"

"Ga-ganoon na ba iyon?"

"Oo, kaya saan ka pupunta?"

"Hindi ka pwedeng sumama noh!" saad ko, "Pwera na lang..."

"Pwera na lang ano?"

"Magdi-disguise ka," hininaan kong suwestyon sa kanya, "Tapos sundan mo na lang gps ko tutal bubuksan ko na lang ha?"

"Teka Alec--"

"Bye!" paalam ko at saka ko pinatay ang tawag.


Sumunod na ako kina Alvin. Pagkalabas namin ng paaralan yumanig muli ang selpon ko kaso hindi ko sinagot ang tawag niya muli. Bukas naman ang GPS ko kaya bahala siya kung gusto niyang sumunod sa akin or not.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now