ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

16 4 3
                                    

𝟷𝟻: sɪx sʜᴏᴛs

PAGKABALIK nina Zariel, at Alec sa bahay katatapos lang maglinis ng buong pamilya nila.


"Oh, nagbalik na kayo kamusta naman ang iskul?" tanong ni Benette.

"Ba-bakit narito na naman kayo?" gutlang tanong ni Zariel.

"Nakalimutan ninyo bang gusto kong makita ang magiging apo ko?" tanong ni Amy sa kanila.

"Hindi pa nga nagpapatalik ang anak ninyo eh," tugon ni Zariel.

"Teka, akala ko ba noong isang gabi nagtalik kayo?" tanong ni Benette.

"Ayaw maniwalang tinalik ko," maktol ni Zariel.

"Kase siraulo ka," sambit ni Alec.

Lumapit si Marife kay Alec, at hinawakan ang kanyang parehang kamay, "Anak 'dba sabi ko saiyo magpatalik ka na, at baka kung anu-ano pa ang makita mo kapag hindi ah?" tanong niya.


Inalis ni Alec ang hawak ni Marife sa kanyang kamay, at tuluyang nagtungo ng banyo.


"Kailan mo pa ba balak ha, anak?" tanong ni Benette kay Zariel.

"Bukas since ang field trip namin ay sa Boracay,"

"Teka, ilang araw kayo roon ha?" tanong naman ni Amy.

"Isang linggo ho, kami roon Mama, at bago kami umuwi sisiguraduhin kong magtatalik na ho, kami ni Alec."

"Dapat lang ano? Ang tagal ninyo na eh, dapat nga hindi pinatatagal iyan!" sambit naman ni Marife.


Nag-iimpake na si Alec nang pumasok si Zariel kaya tinulungan na niya si Alec. Malaking de-hila ang kanilang bibitbitin na kulay itim, habang tinitiklop ni Alec ang ilang damit niya'y napansin niyang mayroong ipinatong si Zariel na pencil case na ikinataas ng kilay ni Alec.


"Ano 'yan?"

"Ang alin?" tanong pabalik ni Zariel.

"Iyang pencil case!" hiyaw na ni Alec sa kanya na may pagduro pa.

"Ah, bakit gusto mong malaman ang laman niyan?" tanong pabalik ni Zariel sa kanya.

"Bakit may dala ka pang pencil case ha?"

"Ang laman niyan ay hindi lapis o bolpen, ang mga laman niyan ay," tigil niya sabay diin sa salitang laman, "Condom, at tabletang pangkalimot," dagdag pa ni Zariel.

"Ta-tabletang pangkalimot?" utal na tanong ni Alec.

"Oo,"

"Teka, bakit magdadala ka ha?" medyo bumaba ang boses sa tanong ni Alec.

"Ako lang yata ang alpha na hindi malimit makipagtalik sa mate niya eh, kaya magsosolo na lang ako pero imbis na maalala ko eh, iinom ako ng pangkalimot para walang nangyari." Paliwanag ni Zariel.


Nanahimik si Alec habang ina-ayos niya ang ilang damit niya sa loob ng bag, nang ipatong na ni Zariel ang ilang damit niya sa kama'y mismong si Alec na rin ang nagtitiklop, at inilalagay sa bag. Matapos nilang mag-impake ng gamit ay inilabas na ni Zariel ang dalawang de-hila nilang bag sa salas.


"Ihahatid ko na kayo sa--"

"Dad, bukas pa huwag kang eksayted. Inihanda lang namin ni Alec para hindi mataranta bukas." Paalala ni Zariel.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now