ʜᴀᴠᴇɴ ᴏғ ʟᴏᴠᴇ

22 1 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟶

JAEJI'S POV

Kakabalik ko lang sa bahay namin ni Reika na kung saan wala siya roon, at halos ang lababo'y napalaban sa tambak. Hinugasan ko muna ang lahat bago ako magpalit ng damit para magtrabaho muli. Isang oras akong late na siyempre napagalitan ako ng boss ko na sumaktong may tumawag sa kanya, at inutusan na akong bumalik sa trabaho ko.

May mga nagtanong kung ano ang nangyari sa akin, may iba naman na walang paki kaya hindi ko na lang sinagot ang mga nagtanong. Ang tangi ko lang ipinakita'y ngumiti lang ako. Matapos ang trabaho ko sa kumpanya'y dumiretso na ako ng uwi.

Nakita ko sakay ng motor na kakababa lang ni Reika sa likuran ni Jericho ang dati niyang kasintahan, at ayon kay Janna na dating kasintahan ni Reika ito. Pagka-alis ni Jericho nakita ako ni Reika na halatang nahuli ko siya sa akto kaso hindi ko lang siya pinansin, at pumasok na ako sa loob ng apartment namin.

"You don't have the right to get mad at me Mister!" hiyaw niya sa akin papasok na siya sa apartment.

I sat down on our tiny sofa habang siya'y nakatayo sa hambana ng pintuan namin. Nakakunot ang kanyang noo habang nakapamewang.

"Saan ka galing and why did you cheat on me?" hiyaw pa niyang tanong.

"How come ako ang nagcheat?" tanong ko sa kanya.

"You cheat on me kasi you gave me a fake onyx!" hiyaw pa niya.

"Fake? Eh, dinampot ako dahilan sa 500k na fake na iyan?" taas boses ko na tanong sa kanya.

This was the time na tumaas ang boses ko. Nagutla rin siya sa inasal ko.

"I'm tired, kung gusto mo magpabili ka kay Jericho ng onyx set na gusto mo." Suwestyon ko saka ako pumunta sa kuwarto namin.

"Where do you think you're going?" taas kilay niyang tanong.

"Sa kuwarto malamang," tugon ko.

"Sa sofa ka at sa kuwarto ako. Period!" hiyaw niya na nag-alis muna siya ng kanyang suot na sapatos kaso nauna na ako sa kuwarto para kumuha ng damit na pamalit.

"I told you na wala kang karapatan sa kuwarto!" hiyaw niya muli.

Kairita. She still never changed. Kinuha ko na rin ang susuutin ko for tomorrow at baka kung ano pa ang gawin niya sa mga damit ko.

"What are you doing ha?" tanong niya.

"Malamang nakuha ng damit," tugon ko.

"You don't have the right na umalis sa poder ko."

"Like a bird na hindi malayang lumipad?" tanong ko sa kanya.

"Huh?"

Hindi ko na lang siya binigyan ng tugon saka ako lumabas ng kuwarto bitbit ang ilang damit kong susuutin para bukas. I don't care if she follow me pero mananatili ako sa sofa for now. Nakita kong may nagteks sa akin at numero lang...

Kailangan mong matulog sa kuwarto dahil naroroon si Janna.

Hindi ko alam kung sino ang nagteks kaya dinilete ko na rin baka makialam pa si Reika ng selpon ko'y mayroon siyang mabasang iba. Nagluto muna ako ng makakain pero for myself only, magluto siya ng kanya ang hindi ko mawari is paano ako makakatulog sa kuwarto...at teka, saan nakatago si Janna?

Matapos kong magluto'y kumain na rin ako. She was there nakanguso like she used to be kapag may hihilingin sa akin. I ignore her kaso... she goes behind my back sabay yakap sa akin.

"Bakit kasi ang bilis mo ng sumuko sa akin? Bakit ka ba ganiyan ha?" tanong pa niya.

Kinikilabutan na ako. Hindi ko na siya kayang balikan pa...for what she is doing and what she's saying. Masama para sa mental health ko ang katulad niya. Atleast nakita ko ang kanlungan ng pag-ibig at nasa pamilya nina Sebastian iyon...hindi ko alam kung paano ako mamama-alam kina Mama't-Papa.

Sin Stories | OldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora