sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

28 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟻: ᴏᴠᴇʀᴘʀᴏᴛᴇᴄᴛɪᴠᴇ

ʀᴇɴ's ᴘᴏᴠ

Nakabalik kami ng ligtas maliban kay Kenji na may tama sa kanang bahagi ng baraso nadaplisan pero may tama pa rin, kaya tinamaan siya ng batok ng tito Gerald pati ng lolo masyado siyang nagpanik noong nakita na si kuya Aeji eh!

Si kuya Aeji naman hmm, heto tulog pa rin walang malay nasa higaan na tulog pa rin, tanghaling tapat na, at hindi na kami pumasok ni Kenji, pero sina Rik, at Kei ko pumasok para kung ano man na takdang aralin eh, maibigay kay Aeji kapag nagising na ito.

Ikinuwento namin ang pangyayari sa Nanay ni kuya Aeji medyo nag-alala siya pero nawala rin noong niyakap ni tito Gerald.

Pero si Kenji?

Malamang lamang seryoso ang mukha nito dahil hindi ko nga kaclose eh, hindi ko masyadong inu-usap dahil depende lang kung nariyan ang kuya Aeji na kahit na mas matanda ako kaysa sa kanya...kuya na rin tawag ko na dapat supposed to be si Kenji ang tatawag noon sa kanya.


ᴀᴇᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Sa pagmulat ng mga mata ko pamilyar na kisame ang nakita ko, "Jusko, anak?" boses ng Nanay ko na ka agad akong niyakap.


Medyo antok pa ako siguro sa stress, doon ko nakita sina Kenji, Tatay Gerald, Lolo Gio ni Kenji, at si Kuya Ren.


"Umalis na sina Kei, at Rik babalik yata para mamaya hindi ka maiwanan ng lessons," ani ng kuya Ren.

Pagka-alis ng yakap ng aking ina napangiti ito, "Maigi, at binisita ni Kei ang ate niya kung hindi baka hanggang ngayon ay hindi ka pa makita nila Kenji, at Ren" dagdag pa ng aking ina.

"May rason siya kung bakit siya ganun, Ma..." aniko kay Inay saka ko ipinatong ang aking ulo sa kanyang kanang balikat.

"Babaw ng rason Alec dahil lang may galit siya sa patay mong Tatay ibubunton niya saiyo ang galit?" inis na tanong ni Kenji.


Tumingin ako sa kanya halos hindi maipinta ang mukha niya na konting maling salita mo lang bubulusok na siya ng sapak or baka pumatay na.


"Kenji." tawag ko sa kanya, at saka siya tumingin sa akin.

"Kung ano ang ginawa mo kay Van wala na akong dinadamdam doon pero hindi naman habang buhay galit ka," saad ko sa kanya medyo nagutla siya kaya tumingin sa iba pero halatang nawala rin ang kunot sa kanyang noo.

"Kanina pa ngang galit si Kenji eh!" maktol na ni Ren, at saka ako sinubukang bumangon may alalay ng aking ina, at ng lolo Gio ni Kenji.

"Halos napagod ka sa pagkakatali ng loko magpahinga ka muna." Suwestyon ni Lolo Gio sa akin.

"Nagugutom lang ho ako," wika ko na napatawa ang nanay, at saka tumayo.

"Ako na ang magdadala jusko sana sinabi mo ka agad," wika niya, at saka lumabas kasama si Gerald.


Naka-upo lang ako sa kama na kung saan lumapit sa akin si Kenji sabay yakap sa akin, maliban sa rp namin ngayon lang niya ako niyakap ng normal.


"Hindi na mauulit ito."

Doon ko lang siya niyakap pabalik, "Salamat sa ginawa mo pero okay na ako hangga't naririyan ka sa tabi ko," wika ko.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now