ʜᴀᴠᴇɴ ᴏғ ʟᴏᴠᴇ

43 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸

JAEJI POV

Nagta-trabaho ako bilang isang guro sa isang akademya pero hindi ako permanente dahilan lang sa huling hiling ng asawa kong si Reika. She was so eager na makuha ang isang set ng alahas na parang ikakamatay niya kapag hindi niya ito naisuot. Ganito ba lahat ng babae? Na kapag hindi sila mukhang maganda sa ibang tao, they will think na pinakapangit na sila sa buong mundo?

Gerem Loan Company

Ito iyong nasa kard na nirekomenda ng lalaking iyon sa asawa ko, ang hirap kasi kapag nagloloan...mas marami ang tinutubo nila, mahihirapan kaming magbayad. Ako pala since ako nagwowork.

"Sir!"

"Ah? Jerome?"

"Na saan na iyong module ko?" nakalungkot nitong tanong sa akin.

"Sabi ko pumunta ka na lang sa teacher's lounge, at kukunin ko pa sa prinsipal."

"Eh, hindi kayo na alis sa puwesto ninyo eh! Hindi ninyo makukuha iyong module ko."

Naalala kong nasa iskul pa ako.

"Okay ka lang ba Sir?" tanong niya na ikinatingin ko.

"Ayos lang," ngiti ko sa kanya saka ako lumabas na ng kuwarto.

Kakatapos lang ng klase ko na hindi ko aakalain na naroroon lang siya. Dumiretso ako sa opisina ng prinsipal na ilang mga regular na guro roon ay kanya-kanyang kumukuha ng module para sa mga bata. Kumuha lang ako ng para kay Jerome since siya ang natatanging estudyante ko na kulang sa attendance, dapat ina-asikaso siya ng adbayser niya eh! Kaso hindi ko mawari ang paaralan na ito halatang walang pake sa mga bata.

Dumiretso na ako sa lounge ng mga guro at nasa labasan si Jerome.

"Bilis mo naman," saad ko.

"Need ko ng umuwi eh!" maktol niya.

Ini-abot ko ang module na agad na rin siyang umalis. Mukhang may emergency siya sa bahay bakit hindi ko muna siya pina-uwi at saka na ang module? Baka mamaya sobrang emergency iyon sugurin pa ako ng magulang niya.

Umuwi na ako na kung saan sakay ng pampublikong tren ang sinakyan ko. Mayaman lang ang mga magulang pero ni-isang bente cinco hindi nila ako binibigyan, ayon sa kanila pagpaguran ko raw ang pera. Iyon naman ang ginagawa ko kaso...hetong asawa ko, noong una na nanghingi siya kay Mama hindi ko alam kung wala siyang hiya, o sadyang hindi siya sanay na walang koloreteng alahas sa katawan.

Doon nauubos ang ini-ipon kong pera para sa pag-aanak niya kaso...haaa...ang huling halik na natanggap ko sa kanya eh, nang ikinasal kami at sa pisngi lang iyon. Minsan napapa-isip ako kung mahal niya talaga ako o dahil lang sa pera ng mga magulang ko kaya niya ako pinakasalan.

Puwersa ang aming kasal, alam kong naging pangit na kilos iyon ng mga magulang para sa kanilang anak pero depende pa rin sa ikinakasal saiyo kung pangit nga o hindi. Para sa akin pangit ang naging kalalabasan...masyadong obssessed si Reika sa mga alahas dahilan na rin sa kanyang pagiging middle class na pamilya.

"Naandito na ako!" hiyaw ko habang hinuhubad ko na ang kurbata dahil nakasuot ako ng tuxedo na kulay grey.

"Honey!" agad na bati sa akin ni Reika.

Hindi niya ako hinalikan bagkus niyakap niya lang ako.

"Nakapagloan ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa honey at nagturo--"

"Honey naman eh! Unahin mo muna iyon!"

Bakit hindi ko makuhang magalit?

"Trabaho ang inuna ko Honey kaya saka na muna ang loan dahil may kailangan pa sa paglo-loan." Paliwanag ko.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now