sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

72 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟻: ᴋɪɴɢ ᴠs. ᴘʀɪɴᴄᴇ

ɪɴɪʜᴀᴛɪᴅ ni Kenji si Aeji sa kanyang klasrum, at halos wala silang usap sa isa't-isa, napansin ni Aeji na nakatingin pala ang guro niya sa pintuan, nang tumingin ito sa gawi niya ay sinalubungan siya ng ngiti. Medyo matandang babae ang guro nila na nakapony-tail ang mahabang kulot na buhok. Tahimik ang klase habang ingay lang ng chalk ng guro namin ang madidinig sa buong paligid.

Te-trenta ang kaklase ni Aeji, at mayroong isinusulat lang ang guro sa pisara nang...


KYAAAH!!!

PRINCE DITO TINGIN KA!!!

PRINCE, I LOVE YOU!!!

MARRY ME PRINCE I'LL BE YOUR SLAVE!!!

KAHIT ANAKAN MO NA LANG AKO PRINCE PLEASE!!!


"Uso pa pala ang ganito rito," saad ni Aeji.

"Hay naku ang narcissist na prinsipe time na naman!" sambit ng nasa unahan ni Aeji na kaklase.


Tumigil ang guro, at napa-iling at saka inimis ang kanyang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa. Matapos imisin ng guro, at saka siya umalis ng kuwarto nila Aeji.


"Hi, new classmate!" ngiting bati ni Rik.

"Hi rin!" bati ni Aeji sa kanya.

"I'm Mark Rike but call me Rik, presidente ako ng klase na ito, at ikaw ay si?" tanong niya.

"Aeji," tugon ni Aeji sa kanya, at nagtangu-tango na lamang si Rik.

"Parang napatay yata ang mga nagtitilian, bakit tumahimik?" kunot ang noo na tanong ni Aeji.

"Pres! Si King nariyan!" pagkasambit ng kaklase ko nagtahimikan na rin sila pati si Aeji.


"Pres?" tawag ni Kenji.

Tumayo si Rik, "Ako ang pres, bakit King?" tanong ni Rik na medyo kabado.

"Tawag ka ng adviSir, at isama mo iyong transferee." Utos ni Kenji nasa pintuan, at saka umalis din.


sᴜᴍᴜɴᴏᴅ si Aeji kay Rik medyo tahimik ang pasilyo, at ang mga babae kani-kaninang natili tahimik sa isang tabi, katabi ang isang lalaki na matangkad pa kay Kenji. Pagkarating nila sa teacher's lounge doon sa isang upuan ng titSir ay inabutan si Aeji ng ilang malalaking kuwaderno, isang laminated na kard, at limang magkakapares na uniporme pa. Ipinaliwanag lang ng guro ang patakaran ng paaralan, at sinabing ang presidente na ang ukol sa iba. Pagkatapos i-orient si Aeji wala na roon si Kenji.


"So, meaning wala munang kain sa akin!" saad ni Aeji.

"Hindi ah! May libre 'yan na sakto sa kain mo ngayon," tugon ni Rik, "Teka, bakit ginto na yata ang likuran niyan?" tanong niya na tiningnan pa ni Aeji ang kard niyang hawak-hawak.


Kulay itim, at parang atm pero imbis na itim sa itaas ng kard eh, kulay ginto.


"Teka, ano ba dapat ang kulay nito itim?" tanong ni Aeji.

"Kung itim meaning walang laman kapag ginto-" tigil niya, at saka, "Ay maraming laman," dagdag ni Rik.

Sin Stories | OldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon