ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

18 6 5
                                    

𝟽: ᴛʜᴇ ᴛʀᴜᴛʜ sᴇʀᴜᴍ

ᴍᴀᴜʟᴀɴ na Lunes at dahil wala silang guro sa una hanggang ikatlong klase dahilan sa nasa seminar, nanatili sina Alec sa kanilang klasrum at nagbabantay ang kanilang presidente ng klase. Napabalik ala-ala siya noong Sabado ng hapon habang nakayupyop siya sa kanyang lamesa...

Naglabas si Erwin ng coke at saka tinabihan si Felix habang ang mga kaklase kanya-kanya ang daldalan. Ang presidente naman nila ay kausap ang ibang kaklase sa harapan habang pabalik-balik ng tingin sa labasan.


"Kay aga-aga softdrinks na agad kapit mo," sambit ni Felix.

"Gago. Heto iyong natira kagabi natin," pagtatama ni Erwin.

Napaharap si Felix sa kanya, "Ang dami pa pala!" sambit ni Felix at tumango si Erwin.

"Huwag kang mainggay lolokohin ko si Alec,"

"Gago ka halatang alak na kapag na-amoy niya iyan," iiling-iling na wika ni Felix.

"Hindi, ako bahala," saad ni Erwin at lumapit kay Alec.


Papikit na sana si Alec nang tapikin ni Erwin ang kanyang kamay na ikinatingin niya sa kaklase.


"Bakit?" tanong ni Alec.

"Iyo na lang kaso gusto kong inuman mo, at bibigyan kita ng two hundred pesos." utos ni Erwin.


Nagtaas kilay si Alec at tiningnan lang ang boteng kapit-kapit ni Erwin.


"Alak iyan ano?" mahinang tanong ni Alec sa kanya. Ngumiti lang si Erwin at inilapag na ang tatlong papel ng isang daan.

"Gagawin kong tatlong daang piso iinom ka o hindi?" tanong ni Erwin.


Kinapitan na ni Alec ang bote ng coke at saka ininuman pero agad ibinulsa ni Alec ang perang inihain ng kaklase. Kaunti lang ang nainom ni Alec mula sa bote nang ngumiti si Erwin sa kanya.


"Lahat ng mga tanong sasagutin mo Alec at utos iyon," panimulang utos na ni Erwin.


Tumango lang si Alec habang si Felix lumapit na sa kanila. Nang lumapit si Felix mayroon siyang kapit-kapit na hiringgilya at sukat ay 1ml at itinurok sa kaliwang leeg ni Alec.


"Ano iyon?" tanong ni Alec.

"Just in case lang Alec," ngiting tugon ni Felix sa kanya at nagkatinginan ang magkaklase.

"Alec, ano ang iskedyul ni Aegr?" tanong ni Erwin.


Nakatitig lang sa kanila si Alec habang nakakunot ang kanyang noo.


"Gago, baka hindi niya alam ipelyedo niya," saad ni Felix.

"Uulitin ko Alec, ano ang iskedyul ni Zariel?" tanong na ni Erwin.

"Hindi ko alam," tugon na lamang ni Alec sa kanila.


Ang mga balintataw ni Alec ay halos malaki pero halatang sumasayaw ng bahagya ang kalahating katawan niya, dahilan sa epekto ng nainom niya at itinurok na rin. Napansin ito sa isang kaklase niya na undercover na rin ng kanyang ama kaya't kinuha niya ang kanyang selpon at mayroong tineksan.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now