sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

98 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟺: ᴛʀᴀɴsғᴇʀᴇᴇ

ᴋᴇɴᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Nakita ko na may isang lalaki sa harapan ng bahay namin medyo lumapit ako na saktong nakita ko ang kotse ni Da. at kausap niya ito.


"Oho Sir dra-" hindi ko na siya pinatapos, at agad ko siyang kinapitan sa batok saka inumpog mismo sa harapan ng kotse.


Binigyan ng mabibigat na sapak sa mukha na ikinatigil ko kasi...


"Anak sino 'yan?" tanong ni Da sa akin.

"Ewan ko nga eh!" tugon ko at nakaharap sa kanila iyong lalaki.

"Anak! Ibaba mo 'yan, at kasama ko na ang Mama Alicia mo pati ang Kuya Aeji mo!" utos niya na ikinagutla ko.


Kaya isinalpak ko sa matayog na sementadong bakod namin ang kupal na ito. Inantay kong makapasok ang sasakyan, at saka ko siya inalisan ng malay, ang bodyguard kong si Ronald ang bahalang magtapon ng katawan. Lagi ko siyang tagatapon.

Matapos nakita kong lumabas si da kasabay ang sinasabi niyang anak ng bagong asawa niya ngayon. Mahirap magtiwala pero kay Alicia lang ako hindi tiwala pa, mahirap na...

Nung lumabas ang kuya ko raw sa sasakyan, hindi katangkadan, ang kyut ng labi, medyo maputi pero langya feel ko, gusto ko na siyang ikama agaran.

Haa...

Kaya nagpokus na lang ako na tumulong sa ilang gamit nila papasok sa loob, at kung anu-ano pang pumapasok sa kaisipan ko, kapag hinayaan ko lang ang sarili ko na tumitig lang sa kanya.

Pagkapasok ng lahat ng kagamitan, nakatayo lang si Da habang katabi niya si Alicia, at katapatan niya ang anak niyang si Aeji na ngayon ko lang napansin ang kinis ng balat niya...batok pa lang makikita mong alaga ito sa katawan. Sayang lang kung hindi siya nakat-shirt makikita ko ang dapat makita sa kanya.


"Oh?" tugon ko sa kanya.

"Kaso gusto niya sa pampublikong paaralan, at sana'y maunawa mo na ang desisyon ng Kuya Ale-" hindi ko na siya hinayaan pang ipagpatuloy.


"Kung saan si Aeji doon ako," wika ko.

Tumingin siya sa akin at tumingin ako pabalik, "Sira ka ba? Gusto ko roon dahil ayako sa mga feeling na bata!"

"Kung saan ka doon ako period!" tugon ko na lang sa kanya.

"Huwag kang spoiled papahirapan mo lang Tatay-"

"Ninong ko bahala roon," singit ko pa.


Nadinig ko ang palantik ng dila niya alam niyang natalo siya sa usapin kaya ilang minuto ang lumipas...


"Fine, doon na lang ako sa iskul ni Kenji," tugon niya.


Masasabi mo ngang spoiled ako pero iyong kagustuhan ko para sa lahat. Dahil ayako nang mangyari iyong dati.

Magkasama kami sa kuwarto na maigi na lang dalawang single bed, ang higaan ko'y katabi ng isang maliit na kabinet, at kay Aeji ay katabi ng dingding. Habang inaayos ni Aeji ang kanyang mga damit halos walang inggay akong maririnig. Nakikinig muna ako ng musika ko sa selpon, at kapag hindi ko ito ginawa baka kung ano ang magawa ko.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now