ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

22 3 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟺: ᴋɪʟʟɪɴɢ ᴀᴛᴛᴇᴍᴘᴛ

ᴋᴀᴛᴀʙɪ ni Elian si Emile kahit na side ito ng mga estudyanteng gra-graduate na, napangiti saglit si Emile pero nawala rin. Kapit-kapit ni Emile ang kanang kamay ng kanyang mate habang sila'y naka-upo pareha.


"Hindi ako makapaniwalang graduate na rin!" malakas na sabi ni Simeon na katabi ang dalawang dalaga bago pa si Elian.

"Hindi ako makapaniwalang hindi ka nagsipilyo," saad ni Veronicka.

"I-kiss kita riyan eh!" Banta ng binatilyo.

"Namiss ka namin Elian aba!" Sumilip na sabi ni Veronicka kay Elian.

"At least nakasama ninyo ako rito," saad ni Elian.

"Kaya nga aba!" wika naman ni Lara na nasa unahan nila.


Palibot ng bantay ang seksyon nina Elian dahilan nasa kaliwang bahagi ni Elian si Emile, na nagtayuan na sila upang kunin ang kanilang diploma sa harapan. Tumayo na rin si Emile ngunit puwersahan siyang ini-upo pabalik ni Elian.


"Hindi ka estudyante Emile," saad niya rito.

"Wala kang bantay sa itaas, ako na lang ang magbabantay saiyo."

"Emile, mate mo ako kaya kung natatakot kang mapahamak ako. Mas matakot ka sa kaya kong gawin." Ngumiting paliwanag ni Elian kay Emile.

"Sige pero mag-iingat ka pa rin."

"Opo!" ngiting tugon ni Elian sa kanya na sumunod na sa kaklase niyang si Becky Sullian.


Nakita na lamang ni Emile ang kanyang mate na nasadulong-dulo ng pila dahilan sa kanyang ipelyedo na ginamit. Kakaunti lang sila kaya mabilis ang pag-usod ng pila, at doon nakita niyang papalapit na ang kanyang mate sa kakamayan niya ngunit, tumigil si Elian.

Nagtaka si Emile kung bakit dahil pati ang mga nakapaligid sa kanyang mate ay halos pinagpapawisan ng malamig. Tumingin si Elian sa kanya saka sa harap, ilang estudyante ang nagtataka rin sa ikinikilos ni Elian, nang napansin ni Sebastian ang lalaking naka-cap na kulay itim bandang kaliwang bahagi niya...nagtungo agad siya sa harapan saka inagaw ang mikropono...


"Bychkov, eleven o'clock!" Hiyaw niya na agad tumingin si Emile sa 11 o'clock niya.


Nakarinig sila ng putok ng baril at dalawang beses pa kaya nanakbo na sina Jason, at Vince patungo kay Elian na nakaluhod pero mga mata niya'y kulay puti. Sa ikatlong putok tumigil ang bala na ikinagutla ng bumaril ng kasamahan, dahil bumalik din ito sa bumaril ngunit sa ulo tumama. Mananakbo na sana ang mga estudyante pero kumalma sila sa hiyaw ni Sebastian.

Alam ng mga estudyante'y mayroon kakayahan si Emile kaya panatag sila, ngunit hindi nila aakalain na mayroon na rin si Elian. Ang kaliwang mata ni Elian ay naging berde habang ang kanan niya'y nanatiling kulay puti, tinulungan ni Vince na makatayo si Elian.

Kumawala si Elian mula sa kapit ni Vince nang nakatakbo ang apat na lalaki, si Emile ay papalapit na sa unahan ngunit si Elian ang sumunod sa kanila. Nakarating siya sa harapan ng akademya na kung saan puwersahang isinarado ni Elian ang gate ng paaralan. Sa taka ng mga gunner umakyat sila sa gate habang isa sa kanila'y nahuli ng isang gard.


"Elian!" tawag ni Emile sa kanyang mate.


Sin Stories | OldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon