ʜᴀᴠᴇɴ ᴏғ ʟᴏᴠᴇ

24 2 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟸

Disyembre 19, kaarawan ni Jerome na anak nina Gerald at Erwan. Nagdesisyon sina Diego, at Sebastian na isama sina Lucas ang isa sa alagad ni Diego, at si Jaeji sa supermarket para raw makalabas man lamang. Sa pinakamalapit na pamilihan sila'y nagpunta, si Lucas ang nagtutulak ng malaking cart na ang kasama niya sa kabilang section ng kailangang bilihin ay si Diego; habang si Sebastian ang nagtutulak ng cart, at si Jaeji ang kumukuha habang nakabatay siya sa nakalista.

Inilista kasi ni Sarah ang bibilhin na pinaghiwalay niya sa dalawa. Alas otso pa lang ng umaga'y marami ng mga mamimili sa loob ng pamilihan, nagtuloy si Diego sa mga delata habang may sinilip lang si Jaeji sa kabilang side ng tinitingnan pa ni Sebastian.


"Huwag kang lalayo sa akin." Paalala ni Sebastian.

"Opo Daddy!"

"Jaeji..."

"May titingnan lang ako rito!" tugon na lang ni Jaeji at nakita niya ang cereal na may libreng lemon square na paborito niya.


Kinapitan niya ang cereal na may libreng lemon square, at cereal na may libreng bowl, baso't-kutsara. Hindi niya ina-asahan na...


"Aba ang kapal ng mukhang nagpakita ka pa!" hiyaw ng pamilyar na boses kay Jaeji.


Hindi niya ito nilingunan o tumugon si Jaeji dahil namimili pa siya sa cereal na nasa pareha niyang kamay.


"Akala mo naman na mabibili mo iyan,"

"Bakit hindi ka nagpasabi na dinukot ka ng mga pulis tapos ngayon naririto ka na?"

"Babe hindi ka pinapansin," saad ni Jericho na pinispis niya ang parehang balikat ni Reika.

"Nahiya sa ginawa niya kasi!" hiyaw pa ni Reika na patulak niyang dinutdot si Jaeji na hindi siya pinapansin nito.


Lumipat sa ibang parte si Jaeji na nilagpasan niya ang dalawang magkasintahan. Hindi napansin ni Sebastian dahil nagtatanong pa siya sa isang nagwowork doon ukol sa mga produkto niyang hawak-hawak.


"Akala mo ba titigilan kita ha?" iritang tanong ni Reika na sinundan niya si Jaeji.


Bitbit ni Jaeji ang parehong cereal, saka nagpunta siya sa may mga tinapay na kung saan nakita niya ang iba pang flavor ng lemon square niyang paborito. Nagutla siya sa kapit ni Jericho sa kanyang kaliwang balikat, at sumaktong sabay sampal sa kanya ni Reika.


"Impakto ka! Ang sabi ko saiyo wala kang karapatang umalis sa poder ko right?" irita niyang tanong kay Jaeji kaso wala siyang nakuhang reaksyon sa asawa.


Ilang minuto ang lumipas na hindi pa nabalik kay Sebastian si Jaeji'y hinanap na niya ang binatilyo. Nakalagpas siya ng dalawang shelves at saka niya nakita si Jaeji...napansin agad ni Reika ang presensya ni Sebastian na agad niyang itinulak patago si Jericho.


"Honey!" tawag ni Reika kay Sebastian kaso hinarangan siya ni Jaeji.

"Tabi!" Utos nito kay Jaeji.

"Reika," tawag ni Jaeji sa dalaga.

"Umalis ka sa harapan ko!" pahiyaw niyang utos.

"Huwag mo ng kunin ang akin, mayroon ka ng Jericho at siya na lang ang pagtyagaan mo,"

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now