sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

61 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟾: ᴀɴɢ ᴘʀɪɴsɪᴘᴇ

ʙᴜᴍᴀʟɪᴋ na sa loob ng klasrum sina Rik, at doon isinulat na lamang niya sa board ang mga magkaka-miyembro na dahil kulang sila sa lalaki, nag-iisa si Aeji sa isang grupo na halos babae ang kasama niya hindi lang tatlo kung hindi limang babae.


"Mukhang nasa harem ka ngayon Aeji ah!" wika ng kaklaseng lalaki ni Aeji.

"Tapos mga tamad yare ako nito," tugon naman ni Aeji na nagtawa ang kaklaseng lalaki.


Isa sa mga bawat grupo napili nilang mamumuno, at si Aeji ay nagsuwestyon na hindi siya ang leader ng kanilang grupo. Nagpuntahan ang mga leader sa harapan para bumunot na gagawin para sa subject ni Sir Markus. Pagbalik ng mga leader sa kanilang mga kasamahan...makikita sa itaas ng kapit nilang papel ang deyt kung kelan sila magpapasa, at ano ang kanilang gagawin nila.


"May balat yata ako sa pwet!" wika ng leader ni Aeji na si Mikaela or Mika for short.

"Teka, ano'ng gagawin natin Mika?" tanong naman ni Janice ng ka-miyembro rin ni Aeji.

"Oh, teka ako magbabasa," wika naman ni Lilia na tawag sa kanya ay Lily for short.

"Parang love letter ang babasahin mo ah!" wika naman ni Ashley.

"Isulat ang sagot sa yellow paper, at ipasagot ang mga sumusunod...jusme Mika may balat ka nga sa pwet! P.S. mamili sa dalawang tao kung kanino ito papasagutan, kung kay King o Prince," wika ni Lily.

"Anu ba 'yan may balat ka nga sa pwet!" inis na wika naman ni Ashley.

"Sorry naman. So, malamang kay Prince tayo magpapasagot?" tanong ni Mika.

"Alanganing kay King? Kapag sa kanya malamang si Aeji na lang matitirang buhay," sambit naman ni Lily.

Lahat sila tumingin kay Aeji, "Alam mo Aeji puwede mo kaming ipaki-usap lang kay King?" suwestyong tanong ni Janice.

"Subukan muna natin iyong Prince," suwestyon ni Aeji.

"Pero pramis bobo ang isang 'yun!" sambit ni Lily.


Umiling na lang si Aeji na ikinagutla niya na may isang kaklaseng lalaki na niyakap siya at umiiyak, "Mukhang nakuha ninyo iyong pinakamalas na gagawin condolence sa ininyong lahat!" wika nung kaklase.

"Gago ka! At gusto mo ngang mamatay kami!" galit na wika ni Mika.

"Goodluck girls!" sabay kindat pang wika ng isa pa nilang kaklaseng lalaki habang ang mga babae, "Ipagdadasal na namin ang inyong mga kaluluwa," wika ng ilang babae na sabay – sabay pa.


Sa isang lounge nagpunta ang kagrupo ni Aeji kasama siya, walang pa masyadong estudyante sa lugar dahilan, at nasa klase pa ang iba habang sila'y walang klase. Hindi masyadong makulimlim ang kalangitan pero nagbabadya ng pagkulimlim ang buong itaas.


"Medyo kabado ako kasi si prince 'yun eh!" maktol ni Lily.

"Sus! Ang arte mo Lily, ikaw naman itong eksayted na makita ang isang 'yun," nakapalumbaba na wika ni Janice.

"Nako! Janice pabayaan mo na...minsan lang kiligin habang single pa iyan," saad naman ni Lily.


Ilang minuto pa ang lumipas tanging nakita nila sa iisang lalaki, at maraming nakapalibot sa kanya na mga estudyanteng babae na papalapit sa gawi nila.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now