ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

20 4 7
                                    

𝟷𝟻: sɪx sʜᴏᴛs

Tumango na lang ang guro, at saka umalis. Ibinaba muna ni Zariel sa side niya ang kanilang pagkain, at kinuha ang kumot saka niya itinakip sa kalahating katawan ni Alec. Biglang nagmulat ang mga mata ni Alec.


"Zariel?" tawag nito.

"Oh, akala ko matagal ka pa kaya tutulog sana ako," wika ni Zariel, "Oo nga pala binigyan tayo ni Ma'am ng pagkain nasa side mo iyong inumin, at pagkain narito sa tabi ko." Tinuro ni Zariel ang inumin, at saka ang pagkain.

"Check ko," sambit ni Alec na nakalahad ang kanyang kanang kamay.

"Ganito rin ang pag-uugali mo ukol kay Allison ah?" Paalalang patanong ni Zariel.

"Mahirap mawalan ng alpha," pabulong na wika ni Alec.


Ini-abot na ni Zariel ang pagkain nila na nasa plastik na parang pa-lunchbox ang disenyo, habang ang laman doon ay balanseng gulay, karne, brown rice, at desert. Naroroon na rin sa lagayan ang kutsa't-tinidor na kung saan iyon ang ginamit ni Alec para tikman ang unang lagayan ng pagkain. Nakatingin lang si Zariel sa kanya nang ilapit niya ang labi niya sa tainga ng kanyang mate...


"Mas mahirap mawalan ng omega," bulong ni Zariel kay Alec.


Tinikman pareha ni Alec ang dalawang pagkain na kung saan si Zariel na ang kumapit ng lagayan, at doon na sila sa mismong kainan labas pa ng kuwarto, bitbit ni Alec ang tubigan nila na hindi nalalayo ang distansya nilang dalawa ni Zariel. Pagkarating nila sa maliit na kantina ilang mga estudyanteng walang mate ay naroroon, ibang bumibili na may ibang nakain na lang doon. Parang nasa akademya dahil maiingay pa rin ang ibang estudyante.

Tahimik na kumakain ang dalawang mate nang natahimik ang lahat sa pagkakabasag ng pinggan, sumabay na ang hiyawan.


"Minarkahan mo na siya pero ang totoo sa akin siya!" hiyaw ng isang alpha sa alpha nitong kaharap habang kapit-kapit ng omega ang kanyang kaliwang kamay.

"Dapat nagloko ang marka ko kung hindi siya para sa akin," dinuro ng alpha ang dibdib ng alpha.


Inalis ng alpha ang pagkakaduro ng alpha sa kanya, at sabay sinapak sa mukha na ikinabitaw ng omega. Lumapit na ang sekretarya kay Zariel na hindi pa tapos kumain ang binatilyo.


"Pres," sumbong ng sekretarya.

"Oo na, teka lang," sambit ni Zariel sa kanya.


Kakatapos lang ni Alec kumain, at kinuha ang kutsilyo mula sa gitna ng lamesa, at saka lumapit siya sa kaguluhan na hindi napigilan pa ni Zariel ang kanyang mate sa balak nito. Hindi tumigil si Alec bagkus ay nanakbo siya patungo roon, at nagtungo siya sa likuran nito sa may kaliwang braso sa ilalim ng kilikili ng alpha niya ikinadkad ang kutsilyo niyang hawak. Pagharap ng alpha kay Alec nakatutok na ang kutsilyo niya sa leeg nito.


"Ito'y lugar ng kainan mali ba ako?" seryosong tanong ni Alec.


Umiling ang alpha.


"Saan ba dapat kayo mag-away ha?" mahinang tanong ni Alec.

"Hi-hindi ko alam," utal na tugon ng alpha ngunit sa ibaba niya'y dahan-dahan inilalabas ng alpha ang kung anuman ang nasa kanyang bulsa.


Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now