ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

19 3 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟸: ᴡɪʟᴅ ᴅʀᴇᴀᴍs

ᴇʟɪᴀɴ's ᴘᴏᴠ

Ang sakit ng ulo ko iyon ang totoo. Hindi ko naman aakalaing may alak ang tsokolateng bitbit nina Kevin, at Felix eh! Hindi ko rin maialis sa isip ko ang panaginip na iyon...

Panaginip lang ba?

Halos nag-iinit ang katawan ko, at medyo masakit ang balakang ko. Hindi ko rin tanda kung ano ang nangyari kahapon. Ang natatandaan kong panaginip ko'y para akong tangang humihiling sa kanya...

Nakakapit ako sa kanyang leeg habang nasa ibabaw ko siya halos pawis-pawisan pa kami, napapapikit pa ako sa panaginip kong iyon na parang totoo talaga. Wala nga siyang binibigkas kung hindi pangalan ko eh!

Teka...I-itina...itina...lik b-ba niya ako? Kagabi?

Elian...

Eh?

Kailangan kong marinig ang unggot mo o hindi tayo liligaya pareha.

Na-nakaka-hiya kaya...hic!

Tayo lang ang naririto sa kuwarto kaya hindi mo kailangang mahiya.

Shit!

Seryoso? Hindi, panaginip lang lahat 'dba?


"Eli! Gising ka na ba?"

"Eh?"


Emile?


"Okay ka na ba?"


Ba-bakit nakahubad ang pang-itaas niya?


"O gusto mong ipagtimpla kita ng kape?"


Gusto mo sa loob o sa labas?


"Ahhnn..." Kainis! Ano ba itong nasa utak ko?!

"Elian?"


Tumingin si Elian kay Emile na seryoso ang kanyang mukha, at sa huling pagbugtong-hininga niya'y...


"Ano bang nangyari sa atin kagabi?" tanong ko.


Natigilan si Emile sa akin habang nakaluhod siya sa harapan ko saka kinapitan ang pareha kong kamay.


"Maagang umalis sina Kevin, at kung tinatanong mo kagabi eh, inirekord ko ang lahat ng pangyayari," tugon niya na nakaramdam ako ng kaba.


Tumayo si Emile saka kinuha ang kanyang selpon na inabot niya at nagple-play na...


"Gusto ko siyang kalimutan Mil,"

"Sino si Liam?"

"Gusto kong mawala na siya at mga ginawa naming deyt noon."

"Anong gagawin mo? Papakalasing araw-araw para makalimot?"

"Hindi...paano kung italik mo kaya ako?"

"Nagbibiro ka lang Elian,"

"Italik mo nga ako Emile at hindi ako nagbibiro!"


Sin Stories | OldOnde as histórias ganham vida. Descobre agora