ʜᴀᴠᴇɴ ᴏғ ʟᴏᴠᴇ

24 3 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟼

Jaeji's POV

Nagising ako sa init ng nararamdaman ko sa bandang kaliwang hita ko, hindi naman ako pinagpapwisan pero damang-dama kong naglalagkit. Pilit kong imulat ang pareha kong mga mata, at doon ko nakitang nasa...ibaba ko siya.

"Seb!"

"Ah, morning!" ngiting bati niya.

"A-ano'ng ginagawa m-mo ha?" utal kong tanong sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Kinukuha ko lang ang morning kiss ko," tugon niya.

Ba-bakit sa ibaba? Hi-hindi ba da-dapat s-sa...teka, don't tell me...

"Seb!" hiyaw ko kaso hindi siya tumigil.

Kinuha ko na lang iyong unan saka ko itinakip sa mukha ko. Hindi ko kayang tingnan kung ano ang ginagawa niya sa ibabang bahagi ko, ilang minuto pa ang lumipas nang naramdaman ko ang tapik sa tiyan ko kaya sumilip ako ng dahan-dahan.

"Halika na." Yakag niya sabay higit niya sa unan saka itinapon sa tabi ko.

"Saan?"

"Malamang igagala kita sa bahay,"

"Bahay naman hin--"

Kinapitan na niya agad ang kamay ko saka, "Malaki ang bahay nina Mama't-Papa kaya halika,"

Sumunod na lang ako tutal baka dagdagan pa ako ng buwis ng kupal na 'to.

Nakarating kami sa hardin na kung saan hindi ko aakalaing ang lawak-lawak ng taniman nila ng ubas, ang ekspek ko kasi eh, mga bulaklak ang naririto hindi pananim, kupal ang isang 'to. Kapit-kapit niya ang kanang kamay ko habang itinuturo niya kung kani-kanino ang per hanay ng ubas, at kung sino ang namamahala ng mga ito.

"Maigi at hindi kayo nag-aaway-away magkapatid ukol sa kung kanino ang tanim na ubas?" tanong ko.

"Kung kunin nila wala akong pake roon as long na hindi nila kunin...ikaw," sabay tingin niya sa akin.

"Ewan ko saiyo," sambit ko na lang.

Matagal na ba siyang ganito? Matagal na ba siyang may gusto sa akin?

Sumunod niya akong ipinasyal sa dormitoryo ng mga katulong at katabing dorm din ng mga tagalinis, pamahala ng taniman, pati hardinero'y doon din nakatira. Ilang kuya niya ang namamahala sa mga tao roon habang si Sebastian ang namamahala sa ilang kumpanya, na kapag wala ang kuya niya sa ilang pagmamay-ari nila'y nau-utusan niya ang mga manager para mamahala sa kumpanya ng kuya niya; syempre responsibilidad niya raw kung malugi pero sa lahat ng kanyang pinamahalaan ay walang mali.

Ganito na siya kabaliw ukol sa ganitong klase ng trabaho. Hindi ko aakalain...habang ako...

"Ji,"

"Ha?"

"Anong ha? Tara na."

Sumunod na pinuntahan namin ang ilang bahay na maliliit na may mga pangalan sa itaas ng harapang pintuan. At mayroon na rin si Seb na kanya...

"Bakit ang liit ng bahay?"

"At gusto mansyon?"

"Hindi naman kaso...ayos ka lang sa ganiyan kaliit?" tanong ko na ngumisi siya.

"Kung ikaw ang kasama ko riyan wala akong problema kung maliit o malaki ang bahay,"

"Kanina ka pa," sambit ko.

Lagi siyang nahugot...

"Bahay bakasyunan ang mga bahay na iyan, nakikita mo iyong gusali na iyon?" tanong niya habang nakaturo sa isang gusali na nasa ika-anim na palapag mayroon ito.

Sin Stories | OldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon