ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

18 3 0
                                    

𝟷𝟾: ᴍᴀs ᴍᴀʟᴀʟᴀ ᴋᴀʏ ᴘʀᴇs

ɴᴀᴘᴀᴍᴜʟᴀᴛ si Alec sa inggay na kanyang naririnig, at tumingin sa kanyang kaliwa na naroroon si Zariel na tulog pa.

Puta ka Pres! Gawin mo gawain mo hindi iyong humihilik ka riyan!!!

Dahan-dahang bumangon si Alec para hindi magising ang kanyang mate pero nakakunot na ang kanyang noo sa inis. Isinuot ni Alec ang kanyang tsinelas saka lumabas ng kuwarto, namataan niyang naroroon sina Bryan, at Ceazar.


"Alec, kinakausap nina Jay iyong maingay." Turo ni Bryan papaunahan.


Tumango lang si Alec saka bumaba ng hagdanan.


"Dahan-dahan Alec," dagdag pa ni Bryan.


Nakita niya na naroroon sina Jay, Tristan, at Bernie. Si Bernie ay nakasilip sa bintana na napayuko nang nakita si Alec.


"Palabasin ninyo na si Pres, tutal siya ang kailangan ko!" hiyaw pa ng lalaki.

"Alec teka." Pigil ni Jay kay Alec na hindi niya ito pinansin.

"Hoy, ano ba? Na saan ba ang Presidente ha? At bakit ninyo tinatago sa akin?

"Lasing ka," saad ni Alec.

"Ikaw!" duro ng lalaki kay Alec, "Ilabas mo si Pres! At siya ang kailangan kong umasikaso ng problema ko!" hiyaw pa niya.

"Gigisingin ko na si Pres," saad ni Bernie.

"Kapag ginising mo si Zariel, lulunurin ko kayo sa pagtulog." Banta ni Alec kay Bernie na naupo na lang pabalik.

"Maigi nga tatawagin na--"


Ibinuwelo ni Alec ang kanyang kanang kamao na lumagitik na lang sa pangahan ng lalaki, natumba ito sa impak na natamo niya.


"Ano'ng oras na sa palagay mo?" iritang tanong ni Alec.

"Uhh, eight?" ngiting tugon ng lalaki.


Sinipa ni Alec sa ari na ikinahiyaw pero sinipa ni Alec sa mukha para hindi mag-inggay masyado.


"Ikuha ninyo ako ng kutsilyo!" Utos ni Alec na si Jay ang lumapit sa kanya just in case na magwala ng todo ang lalaki.


Si Tristan ang kumuha ng kutsilyo para kay Alec na kumuha rin siya ng reserba just in case din na maprotektahan niya ang mate ng presidente.

Namulat si Zariel.


"Morning kay Mommy!" ngiting bati niya na pagtingin niya sa kanyang kanan wala ang kanyang binabati, "Alec?"


Napakunot ang noo ni Zariel dahil wala naman siyang naririnig na inggay na halos parang nasa mundo pa siya ng panaginip. Bumangon siya mula sa kanilang higaan, at napansin niyang wala roon ang tsinelas na laging suot ng kanyang mate. Lumabas siya na kung saan wala pa rin na gising.

Pagkababa niya ng hagdanan doon lang niya nakita na mayroon na silang ini-entoregeyt na lalaki, halos naliligo ito sa sarili niyang dugo habang si Jay ang naka-kapit sa kutsilyong nasa leeg ng lalaki habang nasa unahan nito si Alec.

Sin Stories | OldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ