sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

24 4 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟼: ʙᴀᴄᴋ ᴏғғ! ʜᴇ's ᴍɪɴᴇ.

ɴᴀɢᴍᴀᴍᴀᴅᴀʟɪ sa oras si Aeji dahilan sa nagtratrabaho siya sa isa sa kumpanya ng lolo ni Kenji, habang si Kenji naman ay sa artist dahil iyon ang idinare ni Aeji sa kanya.

Nagsimula si Kenji sa pagiging modelo, at natuluyan siya sa pag-aartista pero malimit niyang scene ay walang kissing, hindi naman siya nag-iisa dahil kasama niya si Rik as kapwa artista na si Jeo lang ang isang modelo. Habang break katabi ni Kenji si Rik, at halos pati kasamahan sa ginagawang movie ay hindi pwedeng hindi mapansin ang itsura ng pagbabago ni Kenji.


"Nilalangaw na naman ikaw," ngising wika ni Rik.

Umiinom si Kenji ng kape, "Sinadya talaga niya na ganito ang trabaho ko para lang hindi ko matupad iyong pangako niya sa akin." Inis na sabi ni Kenji na napatingin si Rik.

"Challenge niya 'yan saiyo noh!" wika ni Rik na humigop muli ng kape.


Tsk!


"Puwede naman kahit modelo ah!" inis na maktol na tono na ni Kenji.

"Nasa iyo 'yan Kenji, at alam kasi ni Aeji na guwapo ka kahit noon pa man syempre, ayaw na niyang masaktan kaya...he is making sure lang na baka hindi joke ang nais mo sa kanya," tugon ni Rik na abala lang sa pag-inom ng kape.

"Lahat naman ng nais niya sinunod ko," napatingin sa harapan si Kenji.

"So, suko ka na niyan?" tanong sabay lingon ni Rik sa katabi.

Tumingin si Kenji, "Wala sa diksyunaryo ko ang sumuko," ngising wika ni Kenji.

Tumango na lang si Rik, "Good, akala ko susukuan mo na," aniya na matapos maubos ang kape, at saka siya tumayo, "Bibili muna ako ng kendi gusto mong pabili?" tanong muli ni Rik na nakapamulsa sa kanyang suot na panjamang puti na nakatiklop above knee.

"Wala," tugon na lang ni Kenji.

"Hala, ingat ka na lang sa mga langaw, langgam, at lamok ang dami oh!" wika ni Rik sabay alis at doon napa-iling na lang si Kenji dahil sa araw-araw ng kanyang pagtratrabaho ay halos walang babaeng hindi kinikilig sa kanya.

"Ready ka na ba ulit Kenji?" tanong ng kanilang direktor at naka-isang inom lang si Kenji, at saka niya sinira ang kartong baso na pinag-inuman niya ng kape, at saka tumayo na bumalik muli sa kanilang shooting.

"Okay! Action!" hiyaw ng direktor nila.


Nakabalik si Rik, at bumili siya ng lollipop imbis na kendi, habang sumisipsip ng lollipop si Rik ang leading lady ni Kenji na ang alam niyang yayakap lang na kung saan ang parehang kamay ay nasa parehang balikat nakapatong, pero agad niyang biglang hinalikan si Kenji na wala sa iskripto. Doon lang nagutla ang lahat na isa sa nakahawak ay napasigaw ng...


"CUT!" hiyaw ng lalaki, at saka tumingin sa direktor.

Nakapatong pa rin ang babae at nakangiti, "Huling halik mo na 'yan babae." Babala ni Kenji.

"Bakit ikakama mo na ba ako ng tunay ha, Sir Kenji?" pilyong tono na tugon ng babae sa kanya.

Kinapitan ni Kenji ang parehang kamay ng babae, at saka niya inialis na kung saan hinarap niya ang direktor nila, "Sabi ko, ayako ng kissing scene," seryosong wika ni Kenji.

"Nagutla din kami Ji," tugon ng direktor sa kanya.


Masaya naman ang babae dahil naka isang smack siya sa labi ng sikat na si Kenji ngunit napa-iling na si Rik, at lumapit sa leading lady na kasamahan.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now