ᴡɪᴛʜɪɴ ᴜs

25 3 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟶: ɢʀᴏᴜᴘ ᴅᴀᴛᴇ

ᴍɪsᴍᴏ sa condominium ni Emile ang group date na sinabi ni Felix kasama ang kanilang mga mate. Nakitulong sa paghahanda ng kakainin si Jim kay Elian habang naka-upong katabi si Jin ni Kevin.


"Pasensya na at napasabi ko pa ang group date," saad ni Felix.

"Sasama't-sasama rin ako. Bakit may pasensya pa?" tanong ni Emile.

"Sa bahay mo pa kasi!" Nakangusong maktol ni Felix.

"Kakain din naman sa labas na mas maigi na lang dito para safe," wika ni Emile na naka-decuatro ang parehang binti habang nakasandal siya sa sofa.

"Nakapagdala pa man din ako ng tsokolate," napabugtong-hiningang wika ni Kevin.


Umiling si Emile.


"Pahingi ako ng pabor sa inyong dalawa,"

"Ano iyon?" tanong agad nina Kevin saka ni Felix.

"Maging feel at home kayong dalawa. Barkada kayo ng mate ko so, I want you to be comfortable sa bahay ko, at tigilan ninyong mailang."


Tumango ang dalawa maliban kay Jin. Lumapit si Elian sa salas na kung saan doon naka-upo ang apat, si Jim naman naghahain na habang tumayo na rin si Jin para makitulong.


"May balak ba tayong inumin?" tanong ni Elian habang tumitingin sa tatlong alpha.

"Suggest ka?" tanong pabalik ni Emile.

"Soju, eh, kayo?"

"As usual please!" tugon ni Kevin.


Bumalik si Elian sa lababo at kinuha ang pot holder saka lumapit kay Kevin na sinalpak niya ang pot holder sa mukha ng barkada.


"Gago! Mukha ba akong waiter!" hiyaw nito.


Nagtawa si Felix na ikina-iling na lang ng dalawang mate habang itinatakip ni Elian ang pot holder sa mukha ni Kevin.


"Oi, titser mo ako!" hiyaw ni Kevin.

"Titser lang kita sa akademya hindi sa bahay ulol!" hiyaw pa ni Elian sa kanya.


Natigil sa pagtatawag si Felix saka umiling habang nagkukulitan pa ang dalawa, at napatingin siya kay Emile.


"So, Emile paano mo natunton ang kaibigan namin?" seryosong tanong niya.

"Nag-apply siya sa kumpanya. Kailangan daw niya ng trabaho," tugon niya kay Felix.

"Teka, bakit nag-aaply ka? Ang mga omegang mayroong mate ay sa bahay lang ah?" tanong ni Kevin na kinuha ni Elian ang pot holder.

"Hindi ako binibigyan ni Liam eh, nasa isip ko baka kulang ang sinusuweldo niya kaya sumubok akong mag-apply," tugon ni Elian.

"Sa akin nagwowork si Liam isa sa mga branch agency ko," saad naman ni Emile.

"Saan niya dinadala ang pera?" tanong muli ni Felix.

"Alam na...kay Alden niya dinadala," singit ni Kevin.

"Alam mo ba Emile na tawag sa amin noon ay flower boys din?" tanong ni Kevin sa kanya.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now