sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

126 7 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟹: sᴛᴇᴘʙʀᴏᴛʜᴇʀ

ᴀᴇᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Isinandal ng lalaki ang kanyang buong katawan sa kina-uupuan, at saka tumingin sa akin, "Kung hindi ko nakilala iyong gusto kong tao, baka ikaw ang nililigawan ko ngayon,"


Medyo kinilabutan ako roon...


"Hindi nakakatawa," Siryoso kong sabi sa kanya.

"Siryoso ako," tugon niya sa akin.


Natigilan ako sa pagkain ko, at sa pagtingin ko nakangiti pa rin siya.


"Pero feel ko magkikita tayo muli, at hindi ka para sa akin," dagdag pa niya.

"Manghuhula ka siguro," singit ng Nanay ko na nagtawa siya.

Nagkamot ng ulo ang lalaki at saka, "Jahn Reus Greywolf, puwedeng Ren na lang for short," pakilala niya.

Ngumiti ang Nanay ko, "Sigurado akong bibigay 'yang taong gusto mo saiyo," ani ng Nanay ko.

"Huwag mong titigilan ng kakakulit sa kanya at saka," tigil ko pero nakaharap ako sa pagkain, "Siguraduhin mong hindi mo susukuan," dagdag ko na niyakap niya ako

"Salamat kuya!" masayang wika niya, "Oo, pramis ko saiyo hindi ko siya susukuan!" dagdag pa niya.


Natandaan ko noong grade six ako...nagkagusto ako roon sa matalik kong kaibigan, syempre parang biro lang sa kanya, kaya mas pinili ko na lang tanggapin na hanggang doon na lamang ang relasyon namin. At nabalitaan ko lang ngayon, na nabuntisan siya ng dating kras niya. Hindi ko na rin siya naging bff dahilan sa wala na kaming kontakan sa isa't-isa, habang siya na itong nagsabi na kalimutan ko na raw siya.

Matapos namin kumain ni Inay nagpaalam na si Ren sa amin, at flight na niya after an hour, suwestiyon ni Nanay na mamaya pa ang amin bandang gabi pa. Bumalik muna kami sa aming kuwarto na tanging ginawa ko lang ay mahiga habang nakatitig sa kisame. Nakarinig ako ng medyo tawanan, at doon sa aking paglingon mayroong kausap ang aking ina sa selpon.

Ayon sa Nanay ko, hindi naman niya aasahan na may lalaking naghahanap ng asawa, at hindi labandera. Nakasuwerte ang Nanay ko na mayroong nagmahal sa kanya kahit na may anak sa unang asawa.


"Anak?" tawag ni Nanay sa akin.

"Bakit ho?" tanong ko.

"Eighteen ka na 'dba?" tanong niya.

"Opo," tugon ko sa kanya.

"Bakit wala ka nga pa lang nobya?" Siryoso ang tono na tanong ng aking Ina.


Nasaktan kasi kaya ayawan na, hindi na masaya...


"Anak," tawag niya muli.

"Ayako, bata pa ako," pagsisinungaling ko.

"Eighteen ka na ah! Ekspekted ko nga may mahal ka na eh!" saad niya.


Natahimik kami pareha.


"Nasaktan ka ba sa unang pag-ibig?" tanong niya.

"Si Nanay ang kulit!"


Sa totoo nga...nasaktan ako sa unang pag-ibig.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now