sʜᴏᴛ ʙʏ ʟᴏᴠᴇ

37 5 0
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷𝟸: ᴋᴀʟᴍᴀɴɢ ʜᴀʀɪ

ᴅᴜᴍᴀᴛɪɴɢ ang araw ng field trip, at pinayagan si Kenji na sumama sa bus ni Aeji para raw walang maging ghost bus o mga hindi magsamahan ang mga kaklase or ilang makakasama sa bus ng binatilyo. Kaya laking saya nila kay Aeji dahil sumusunod ang hari sa kanya.

Nakisama si Ren pati rin si Jeo sa bus nila Aeji kaya halos lahat sila magkakasama, inuna ang mga dapat puntahan, at iyon ang mga tatlong lugar na inabot sila ng hapon sa huling pupuntahan na 'Mall of Asia' dahil mas katabi ni Rik si Jeo nauuna sila na kasabay ni Kei si Aeji dahil hindi niya nagustuhan ang desisyon ng guro na hayaan si Ren na sumama sa bus nila.

Sa isang tindahan ng alak inalok sina Kei ng free taste at dahil maliit lang na baso, at medyo kakaunti ang laman eh unang lumagok si Aeji at sumunod si Kei.


"Mahina ka kapag nalasing ka riyan Kei," wika ni Aeji.

"Hinde ah!" depensa ni Kei na nakasunod lang si Kenji kay Aeji.

"Bakit ka uminom?" tanong ni Kenji.

"Ha? Eh, di sana naki-inom ka rin, problema mo?" iritang tanong ni Aeji kay Kenji.

"Nagtatanong lang ako Aeji...grabeh ka,"


ᴀᴇᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Langya malakas naman ako sa alak.

Slight pero kakaunti lang 'yun.

Bakit ganito? Iba pakiramdam ko. Parang nag-iinit.

Takte! Kapag sinabi kong naiinitan ako baka kung ano'ng isipin ni Kenji sa sinasabi ko.


Nagtungo kami sa supermarket, as usual bumili sina Rik ng makakain sa bus ganoon din sina Ren, at Kei. Habang ako'y nakasunod lang kay Kenji na pinakitaan niya ako ng tsokolate, "Gusto mo Aeji?" tanong niya.


Parang nag-iislow motion si Kenji.

Hindi, lasing ba ako?


"Bahala ka," tugon ko sa tanong niya.


Matapos namin mamili kinakain na agad ni Kenji iyong binili niyang tsokolate, hinahayaan ko na lang may ilang babae sa mall na nagpapaselfie sa kanya pero as long na kasama nila si Ren sa selfie. Dahil malaki ang mall halos gala ang ginawa ni Ren, ibinili ng bagong selpon si Kei kahit ayaw noong isa.

Nagutla ako nang mayroon sa daliri ni Kenji na tsokolate, at isusubo niya sa akin iyong kapiraso na iyon habang kinuha ko naman. Mahilig siya sa ganoon kaso nagutla ako sa pagkagat ko kinagat niya iyong dulo ng tsokolate may nadinig ako umirit na boses ng babae. Nang matapos kumagat ni Kenji ngumiti siya.


"Langya ka, nasa publiko tayo." Inis kong sabi.

"Hindi naman kita hinalikan ah!" Depensa niya.

"Mukha tayong naghalik, gago!"

"Wala...nangyari na ang nangyari." Sabay kibit-balikat niya.


Hindi na ako umimik, at ipinasok ko na sa loob ng bibig ko iyong tsokolateng ibinigay niya. Bago kami makapasok ng bus may nagpaselfie muli kay Kenji na nauna na kami nila Kei sa bus, at hindi na namin nakita sina Rik...tutal iilang kaklase lang namin ang nagbalikan kaya mag-aantay pa kami.


"Aeji." tawag sa akin ni Kei.

"Bakit?" tanong ko sabay upo sa pwesto ko.

"May naramdaman ka bang iba after nung uminom ka kanina doon sa free taste?" tanong niya.

"Oo bakit? Ikaw ba?" tanong ko pabalik na tumango siya

"Iligo mo pagdating mo sa dorm mo." Suwestyon niya, at tumango siya saka umupo na sa pwesto.


Pagdating nila Kenji tumabi na siya sa akin, bitbit pa niya ang ilang pinamili niyang kakainin talaga na inabot niya sa akin iyong binigyan niya ako toblerone na isang balot na halos maliliit. Binuksan ko iyong isa na ikinagutla ko ang init ng hininga ni Kenji na dumampi sa leeg ko kaya't napatingin ako.


"Anu ba?" iritang tono kong tanong sa kanya.

"Parang sensitibo ka," mahinang bulong niya sa akin.

"Tigilan mo ako Kenji." Utos ko.


Isinubo ko na iyong toblerone na hindi pa rin tumigil itong si Kenji aba!


ᴋᴇɴᴊɪ's ᴘᴏᴠ

Pagdating ko matapos noong isa pang selfie sa akin pumasok na kami ng kuya Ren, na dumiretso siya kay Kei ako kay Aeji. Naupo ako sa tabi niya, at inabot ko sa kanya ang isang balot ng toblerone na agad niyang sinimulang pagtripan.

Natatakam ako eh!


Hinipan ko siya sa leeg dahil nairita tumingin sa akin, "Ano ba?"

"Parang sensitibo ka?" buling ko sa kanya.

"Tigilan mo ako Kenji." Babalang tono niya.


Pagkasubo niya nung toblerone agad kong kinapitan ang batok niya na saktong naipasok ko ang labi ko habang alalay namin ang toblerone sa loob ng bibig niya, medyo nilaliman ko para makakagat sa tsokolate pero itinulak niya ako, at saka niya inilabas iyong toblerone.


"Adik ka, Kenji aba!" galit na siya pero mahina pa rin ang kanyang boses.


Doon ko na lang siya siniilan muli ng halik habang wala pang masyadong kaklase nakakapit siya sa kanang balikat ko, habang ang mga mata niya kalahati na lamang ang bukas.


Titirikan ako sa isang ito...pero...

Parang may problema si Aeji, hindi kaya sa ininom niyang free taste mayroong halo kanina?

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now