ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

24 6 8
                                    

𝟷: ᴍʏ sᴛᴇᴘʙʀᴏᴛʜᴇʀ

ᴀʟᴇᴄ's ᴘᴏᴠ

Nakahiga sa kama si Tita Marife habang ang nanay kong si Amy kausap ang doktor ng tita, maputla na ang kanyang balat habang may nakalagay na ngt sa kanyang ilong para makahinga. She was dying.

At ukol sa doktor ng tiyahin ko'y kailangan siyang ma-operahan agad to remove that cell na nagpapahirap sa kanya. Wala akong magawa habang naka-upo rito sa upuan at lumalaban ang tita ko para lang mabuhay.


"Anak halika muna saglit." Utos ni Inay.


Tumayo ako mula sa stool na katabi ng kamang hinihigaan ng tita ko, at saka lumapit sa gawi ni Inay na kasama ng doktor ng tita ko. Tumingin muna sa akin ang doktor at niyakap ako na parang close kami pero dahil sa kanya nakasalalay ang buhay ng tita ko at hInayaan ko na. Pagkakawala niya...


"Huwag ka ng mag-alala sa tiyahin mo at ako na ang bahala pero kailangan ko presensya ng nanay mo para sa tita mo." Utos niya muli sa akin.


Nang tumingin ako kay Inay tumatango lang siya habang nakapikit ang pareha niyang mga mata, at pagbalik-tingin ko sa doktor mayroon siyang kapit-kapit na selpon. Bakit siya mayroong selpon? Pruweba sa pag-uusapan namin?


"Pwede kang tumira muna sa apartment ng anak ko at malapit lang iyon sa paaralan mo, habang naririto ang nanay mo sa ospital kasama ng tiyahin mo Alec." Paliwanag niya sa akin.

"Ano bang mayroon?" naguguluhan kong tanong.

"Anak sumunod ka na lang ha?" pakiusap ng nanay ko.


Bakit pa ako tinawag? Langya.


Itinapat sa akin ng doktor ang selpon na kung saan nakabidyo call pala at ang nasa kabilang linya ay ang kilalang alpha sa akademya namin. Ang presidente ng buong student council, ang namamahala sa mga estudyante ng paaralan at kilalang brutal kapag nakagawa ka ng mali sa batas ng paaralan. Napatingin ako sa doktor ng tita ko na nakangiti siya sa akin.


"Anak ko at solo siya," saad niya.


Bakit niya sa akin pinapakita?


"Ano'ng pake ko?" tanong ko.

"Alec!" hiyaw ng nanay ko sa akin.

"Ah, pasensya na. Zariel anak, saiyo muna ang kapatid mo." Utos niya sa alpha.


Zariel pala ngalan niya. Teka, kapatid?


"Ma!" hiyaw ko sa nanay ko.

"Ano?" kunot-noo niyang tanong sa akin.

"Anong kapatid ang tinutukoy niya?" tanong ko sabay tingin na rin sa doktor.

"Ah!" sambit na lang ng doktor na tumingin sa nanay ko at tumingin muli ako kay Amy.


Ngumiti siya sa akin at saka tumingin siya doktor at nagkakatitigan sila habang nakaharap pa sa akin ang bidyo ni Zariel.


"Alec pumasok ka at antayin mo na lang ako sa geyt at saka tayo sabay umuwi." Utos niya sa akin.

Sin Stories | OldМесто, где живут истории. Откройте их для себя