ᴡɪᴛʜɪɴ ʜɪs ʟᴏᴠᴇ

19 3 0
                                    

𝟷𝟼: ᴏᴍᴇɢᴀ's ᴘʀᴇɢɴᴀɴᴛ

ᴘᴀʀᴇʜᴀɴɢ nakatulog sina Alec, at Zariel sa kanilang pagtatalik na naka-anim na beses nilabasan si Zariel. Unang namulat si Zariel nang may narinig siyang kalabog sa ibaba, nilingunan niya si Alec na tulog sa kanyang kanang braso. Hinalikan niya ito sa labi na ikinamulat na niya rin.


"A-ano'ng oras na?" tanong ni Alec.

"Hindi ko rin alam pero mayroong kumalabog sa ibaba, titingnan ko sana, at dito ka lang." Seryosong utos ni Zariel na tumango lang si Alec.


Umalis si Alec sa braso ni Zariel na inihiga niya ang kanyang ulo sa unan. Bumangon si Zariel na bago siya lumabas ay nagsuot muna siya ng panjamang puti saka ikinandado ang pintuan para alam niya ang nakalock ay naroroon si Alec.

Tahimik ang buong paligid pero nakakarinig siya ng nag-uusap na mga lalaki ang boses, hanggang sa may kumakatok ng mahaba kaya't lumapit si Zariel sa maliit na lamesa na ikinalagay niya ng susi saka binuksan ang harapang pintuan.


"Ah!" sambit ng isang binatilyo.

"Pres?" tanong ng lalaking nasa harapan.

"May makakasama ba kami rito?" tanong ni Zariel sa kanila.

"Kami iyon Pres, ah, ako pala si Jay Avellano, at ang mate ko si Kenneth." Pakilala niya sa kanyang katabi.


Matangkad si Jay habang si Kenneth naman ay isang dangkal lang ang liit kay Jay.


"Nasa likuran ko Pres, sina Ceazar Santos hindi ka kilala na kakatransferee lang niya mula sa ibang seksyon, tapos si Bryan Ching mate niya." Dagdag pa niya.

"Ako si Tristan Jose, Pres, at ang mate kong si Bernie Montemor." Pakilala naman ng hindi katangkaran na nasa likuran nina Ceazar.

"Sige na pasok." Yakag ni Zariel na inantay lang niyang makapasok ang anim na binatilyo saka niya ibinalik ng sarado ang harapang pintuan.

"Iyong nakakandadong kuwarto'y sa akin." Paalala ni Zariel na tumango ang mga alpha niyang kasamahan.


Nagtungo muna si Zariel sa kusina saka uminom ng malamig na tubig bago siya bumalik sa kanyang kuwarto. Kakabangon pa lang ni Alec nang ikinandado muli ni Zariel ang kanilang pintuan.


"Mayroon tayong kasama rito Alec," saad ni Zariel.

Tumingin si Alec sa kanya, "Ilan?"

"Anim silang lahat. Tatlong magme-mate," tugon ni Zariel sa tanong ni Alec.


Bumangon si Alec mula sa kama, nagtungo sa kabinet na wala pa roon ang kanilang damit kaya inalwas niya muna ang kanilang gamit. Tumulong naman si Zariel sa pag-aayos ng kanilang damit bago sila tuluyang umalis ng kuwarto.


"Magluluto ako kaya tulungan mo ako, nakita kong matataas ang kabinet eh!" maktol ni Alec.

Inilapit ni Zariel ang kanyang mukha sa kaliwang mukha ng kanyang mate, "Kunwari ka pa gusto mo lang na hawakan kita muli,"

Hinampas ni Alec si Zariel sa tiyan, "Gago!" hiyaw nito.


Nagsuot si Alec ng apron na habang nasa kusina sila kakalabas lang ni Kenneth mula sa banyo na bansang-basa na dumiretso sa pool sa harapan. Si Jay naman natigil sa gawi nina Zariel, at napatingin kay Alec.

Sin Stories | OldWhere stories live. Discover now